🏰GEORGINA🏰
"Tologo bo?" Nang-ookray kong tanong kay Alex pero na kay Sydney ang paningin. Ang taray ng dalawang 'to, kaya pala magkatalikuran sa upuan ngayon dahil may pagkakaintindihan na.
"Oo," diretsahang sagot ni Alex. Walang patumpik-tumpik, 'di man lang nag-alangan.
"Okrayin na 'yan!" Sigaw ni Kendrick.
"Ikaw Yixing ah?" Banat ni JC. Sobrang lakas ng boses niya kaya pinagtitinginan na naman kami mga te. Nag-umpisa na kaming mang-asar at mangantiyaw dahil sa kanila. "Kaya pala nagmamadali kang lumabas kanina ah?"
"Sana all!"
"YieeeeXing!"
"Syyyydney!"
Parang timang ang mga Papwa na tila naging mga wang-wang ng ambulansiya. Kinotong-kotongan nila ang mama nila tapos inasar ng husto.
"Tama na," sabi ni Yixing, pero imbes na huminto ay lalo lang siyang pinag-aasar ng mga kaibigan niya. "'Wag kasi," saway niya kay JC na panay sa panggugulo ng buhok niya.
"Oy 'wag niyo namang ganiyanin," sabi ni Guione. Tawa rin ng tawa habang nakatingin kay Yixing. "Nahihiya 'yan sa crush niya."
"Yieeeee!" Pati kami nakisali na sa pang-aasar. Ang beshiewap namin para nang pinaliguan ng liptint sa mukha sa sobrang pula. Ang Bubbles naman namin tuwang-tuwa, at parang kinikilig pa.
"Y-Y-Y-Yixing? B-b-b-bakit ka nasa ilalim ng mesa?" Lalo kaming natigilan dahil sa tanong ni JC na may ibang kahulugan. "A-a-a-anong ginagawa mo ro'n ha?" Tawa na ng tawa ang mga kateam ni Yixing.
"Kumain lang kami ro'n," depensa ni Yixing, pero mas lalo lang nag-iba ang mga nasa isip namin. Mas lalo 'yung lumala kahit hindi naman gustuhin. "Hoy," saway niya dahil lalo kaming natawa.
"Grabe kayo," sabi ni Sydney. Parang nayayamot pero mas lamang yata ang kilig.
"A-a-a-anong kinain mo ro'n sa ilalim ng mesa, Y-Y-Y-Yixing? Bagsik naman ni Xiao, humohome run kaagad."
"Wahahahahahahahahahaha!"
"Ikaw bwiset ka." Hindi na napigilan ni Yixing at binanatan na ang kaibigan. Medyo kinilig ako nang marinig ko ang tawa ni JC. "Nahulog 'yung softdrinks sa ilalim kaya kinuha ko."
"Ah..." Tumango sila pero nandoon pa rin ang makahulugang ngiti sa labi nilang lahat.
"Eh bakit hindi ka na lumabas?" Pagpaparinig ni Alex na abala sa pagkain. Hindi nakasagot ang Chinoy kaya lalo siyang inasar.
Sunod-sunod na tanong mula sa mga kasama niya ang sumalubong kay Yixing. Puro pang-uurirat ang tanong nila at kung ano raw ba ang ginawa nila ro'n. Sa sobrang dami ng tanong nila, naglabo-labo na 'yon sa ulo ko.
Hay nako...
"Luh si Sydney kinikilig," ani Cassey. Tuwang-tuwa siya para sa kaibigan. Malamang, kahit ako natutuwa rin dahil maganda 'yung ganiyan, para hindi na siya guluhin ni Ace. "Happy ka te?"
"Tumigil ka diyan ah?" Inis na sabi ni Sydney, pero halatang-halata na kinikilig siya.
"Hoy 'wag mo niaaway Fluffy ko." Niyakap ni Alex si Cassey at kasama pa ang paa. Muntik ng tumuwad ang Lola niyo sa sobrang lakas ng pagkakahila ni Alex. "Bad ka, doon ka na nga kay Yixing. 'Di na kita love. Yixing kunin mo na 'yan si Sydney, sa 'yo na 'yan."
"Oh Yixing kunin mo na raw," wika ni Samuel. Tumayo pa at tinutulak si Yixing. Tumatama tuloy ang likod niya kay Sydney. "Iuwi mo na."
"Siraulo," sabi naman ng Chinoy.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21