🏰SYDNEY🏰
Napabangon kaming lahat ng pumasok na ang mga Coaches na galing sa meeting. Talagang napabalikwas kami. Nanakbo pa sila Kendrick palabas, dahil nandito na ang mga Coaches namin. Inayos na namin ang hinigaan namin, mukhang magmimeeting kasi kami ngayon. Nanakbo ako sa CR bitbit ang pantalon ko. Nagpantalon na ako dahil baka pagalitan ako ng mga Coach namin. Nang makalabas ako, saktong kapapasok lang nila Darylle galing sa labas.
"Girls, come here." Tumayo na si Coach Reiven sa gitna. Nakaupo lang sila Yiren doon. Ang iba nasa couch, ang iba naman ay nasa sahig. Sa floor na lang din ako umupo dahil puno na sa couch. "Again, congratulations," pinalakpakan nila kami. Naghiyawan na naman kami dahil ang saya naman talaga. Actually, hindi ko inasahan na magiging gano'n kadali ang pagkapanalo namin kanina. "Sobrang laking tulong ng pagkapanalo natin kanina. Hindi lang sa standing, pati na rin sa experience niyo not only as player but also as a team. I'm hoping that we'll win against the Blue Bulldogs on Monday."
"Hala..."
"Kinakabahan ako."
"Kalma lang..."
"Relax girls," in-english na ni Coach ang paborito niyang linya. "There's nothing to be afraid of, okay? It's just a game, winning and losing are part of it. But it doesn't mean na pwede na tayong matalo. We can't afford to lose girls. Dahil sobrang laking advantage kapag tayo ang nagrank 1 sa bracket natin. Twice to beat 'yon, and aside from that 'yung rank 4 pa ang makakalaban natin sa Quaterfinals. Hindi naman sa nanlalait pero mas okay ng banggain ang pinakamababa kaysa sa rank 2 or 3. And sana, hindi lumaki ang mga ulo natin dahil nanalo tayo kanina. There's nothing wrong with being confident girls, but not too much. You got me?"
"Yes Coach!"
"And one more thing, I don't know if this is helpful, but still I just wanna inform you that our game against Red Lions is trending on Sports Fest."
"Yehey!"
"Woooh!"
"It's on top," sabi ni AC Jude. Pinakita niya sa amin ang phone niya. Nando'n nga sa taas ang laro namin. Pinalakpakan din nila kami. "She's also trending." Tinuro niya si Alex. Nagkibit balikat lang siya na may halong pagyayabang, kaya nagtawanan kami.
"Tuwang-tuwa rin sa kaniya 'yung mga referee and committee," saad ni AC Alvin. "Lakas mang-asar eh."
"Siyempre," ani Coach Reiven. "Mayaman 'yan eh, 'di ba?" Itinaas niya 'yung kamay niya kaya inapiran siya ni Alex. "Anyway, gusto ko sana magpavictory party pero masiyado pang maaga para magcelebrate. Sa Monday 'yung gray naman ang susuotin natin. After lunch ang laro, so be ready okay?"
"Yes Coach!"
"Any concerns? Questions? Clarifications? Violent reactions?" Hindi naman kami sumagot at umiling na ang iba. "None so far?"
"Yes Coach!"
"Okay so again congratulations. There's still 25 minutes before 5 PM. You can roam around the school, but please be here before 5. You can also sleep, watch or stay here na lang. It's up to you."
"Saan tayo guys?" Tanong ni Yiren.
"Dito lang kami," ani Darylle. Inaayos na niya ang mga gamit niya. "Galing na kami sa labas eh."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Tiểu Thuyết ChungContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21