🏰DARYLLE🏰
Gusto ko pang matulog. 'Yan ang isang bagay na gusto kong gawin pero hindi ko naman magagawa. Sa kadahilanang ako may pasok at si Ate wala. Ang unfair lang dahil wala naman kaming laro pero bawal umabsent. Sana pwede para may pahinga naman muna kami kahit ngayon lang.
Kahit labag sa loob ko ay bumangon na ako. Sa bagay, okay na rin para makapagbonding ulit kami ng mga kaibigan ko. Mahaba-habang sawayan na naman 'to, with the one and only crazy in our squad.
Bula...
Nag-unat-unat ako para mastretch naman ang katawan ko. Nagtatalon din ako para tuluyan ng mawala ang antok ko. Bumaba na ako para makapag-almusal ng doughnut na naging sanhi ng pagbe-BABE-reak namin ng Babe ko.
Daming alam...
"Good morning," ani Mama. Nakaluto na siya kaya nagbabasa na lang na naman ng diyaryo. "Kumain ka na diyan. Nakaluto na ako."
"Anong ulam Mama?"
"Bacon, hotdog, spam, tinatamad kasi ako eh."
Tita ikaw ba 'yan?
Tumayo na ako at pinaghainan ang sarili ko. Inilabas ko rin ang natirang doughnut na wala namang kumain. "Ma you want?"
"Saan galing 'yan?"
"Best player ako kahapon." Naupo na ako at nagsimula ng manalangin. Isang bagay na nakakalimutan kong gawin kapag kasama si Alex.
"Baka iba na 'yan ah?"
"Hala Mama hindi," mabilis kong tanggi. Pati ba naman doughnut pinag-isipan ng hindi maganda? Pasaway talaga 'to si Mama.
"Baka nagpapaligaw ka na ah?"
"Hindi ah," tanggi ko.
"Eh bakit defensive?"
"Mama kasi hindi naman true 'yung sinasabi mo."
"Ano?" Kunot noong tanong niya. Doon ko lang narealize kung ano ang mali sa sinabi ko.
Alex naman eh...
Fault mo 'to eh!
"Wala," nagpatuloy na ako sa pagkain bago pa ako makapagsalita ng hindi maganda rito. Kung anu-ano kasi ang pinagtututuro ni Alexaundra eh, ayan tuloy, puro katarantaduhan na rin nasa isip ko.
"'Wag magboboyfriend ah? Ang bata-bata mo pa."
"Copy," tumango ako. Wala naman talaga sa balak ko 'yon ngayon. Ngayon pa? Eh dahil kay Alex masahol pa ako sa nag-anak ng lima. Nakakapagod din kaya maging tagabantay ng isang babaeng taglay ang sampung kulit.
Mabuti kung may sahod...
Tahimik lang akong kumakain habang iniisip kung anong magandang gawin ngayon araw maliban sa pang-aasar at pagpapaiyak kay Alex. Siyempre magkakainan na naman kami tapos sagot ni Alex dahil malaki ang baon niya. Maglalaro sa arcade na sagot din ni Alex kasi sigurado naman akong mananalo siya. At tatawa hanggang hapon dahil kay Alex na effortless ang pagpapatawa.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiksi UmumContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21