🏰SHANE🏰
Maaga akong pinauwi ni Daddy para raw masundo ko si Karmina. We all know na hindi ihahatid ni Sean ang babaeng 'yan sa bahay. Binilinan naman ako ni Mommy na kausapin ko si Sean and convince him na umuwi na sa bahay. I'm sure doon lang 'yon sa condo niya naglalagi. Wala naman 'yong ibang matutuluyan.
Sa Camp Bridge ako dumiretso nang mag-out ako. Mas maaga sa dismissal nila ang pagdating ko kaya marami pang sasakyan sa labas. Wala pa ring masiyadong tao ro'n. Sinubukan kong tawagan si Sean para sabihin sa kaniyang nandito ako. I just want to check him. Kahit matigas ang ulo niya, hindi ko talaga siya natitiis.
"Hey," bungad ko. I hope he's doing good by now. "Kumain ka na ba? Anong ulam mo? May pagkain ka ba sa condo?" Hindi naman kasi 'to nag-gogrocery. Puro lang 'to padeliver, dahil saksakan ng katamaran.
"Ate..."
I sighed when I heard him sobbing. "Stop crying Sean. Where are you?" Nag-aalala ako sa kaniya. Naninibago pa rin ako sa Sean na kaharap ko, baka kung anong gawin niya sa sarili niya kapag hindi niya nakayanan ang depression.
"I can't stand this anymore."
"Where are you?" Napababa ako sa sasakyan sa sobrang pag-aalala.
"In school," he answered.
"Hindi pa ba kayo pwedeng lumabas? Nandito ako sa labas ng gate niyo." Sinilip ko ang gate na sarado pa talaga.
"Sa Gate 2 ang parking namin."
"Sh*t nasa Gate 5 ako." Taga-KU kasi si Mina kaya malamang dito 'yon lalabas mamaya kaya dito ako nagpark. Puno rin ang iba kaya hindi ako makasingit.
"It's okay," mabilis niyang sabi, para siyang ginanahan. "Ate help me, tinatakot ako ni Mina."
Nag-init ang ulo ko nang marinig ko ang sinasabi niya. Mukhang nahuhulaan ko na kung anong klaseng pananakot ang ginagawa ni Mina sa kaniya. "What do you mean?" Tinanong ko pa rin, baka kasi nagkakamali lang ako.
"Sasabihin niya raw kay Audrey na she's pregnant with me. Ate, help me please. Magagalit sa akin si Audrey kapag nalaman niya 'yon."
I closed my eyes and tryna absorb everything. Siguradong problema 'to lalo na't kilala yata ni Uncle Eugene ang parents ni Audrey. "'Yan na nga ba ang sinasabi ko eh," inis kong sabi. Kung hindi niya kasi pinatulan 'yon hindi mangyayari 'to. I want to blame him pero baka magalit siya sa akin.
"She wants me to take her home and pick her up everyday. Hindi ko kaya 'yon, bukod sa ang aksaya sa gas, baka magselos na si Audrey, Ate. Please gawan mo naman ng paraan. Sabihin mo kay Mommy tapalan ang bibig ng babaeng 'yon."
"Ang kapal ng mukha niya. Anong akala niya sa 'yo?! Alila?!" Never kong nautusan ang kapatid ko na ihatid ako at sunduin tapos siya? Uutos-utusan niya lang?! The nerve!
"Exactly, you better help me Ate. I don't know what to do anymore. I'm going crazy."
"Sean don't say that." Nakarinig ako ng malakas na kalabog sa line niya. "Sean please, think straight okay? We will help you, no matter what happen nandito lang kami ha? Humanda sa akin ang babaeng 'yan." Nanggigigil ako sa kaniya. I'll make her life a living hell.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Художественная прозаContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21