🏰ALEX🏰
"Hoy ano? Buhay ka pa?" Tanong ko sa singkit na pipilay-pilay. Mandangan ba naman kasi, inapakan siya pero hindi man lang gumanti. Ayan, iika-ika tuloy, hindi makalaro. Napangiwi ako ng tawanan ako ng mga bangko. Wala naman talaga sa plano ko ang manood nito, nayaya lang naman ako. Sumama na rin ako, dahil sabi ng utak ko sumama raw ako.
Alam niyo naman ako...
Basta nayaya...
Nakapasok kami dahil sa gate pass na binigay ni Miss Jelai kanina. Pwedeng-pwede kami maglabas masok ng libre dahil dito sa pipitsuging pass na 'to, na hindi ko akalain na may tinatago pa lang lakas. 'Yon nga lang, magagamit lang namin 'to kapag may mga lobo na maglalaro.
Malaking bagay din, dahil unang-una, hindi na kami gagastos. Ikalawa, kahit anong oras pwede, kahit nasa kalagitnaan pa ng laro. Ikatlo, makakalapit pa kami sa mga players at makakaburaot ng gatorade. Ang dami ko na ngang nainom eh. Isa 'yan sa pinunta ko actually. Nauuhaw kasi ako, pero ayaw kong gumastos, baka maghirap ako. Natatapyasan ang kayabangan ko sa tuwing nawawalan ng silid ang pitaka ko. Kayabangan pa naman ang puhunan ko sa bawat laro.
"Hoy, nakakatatlo ka na ah," saway sa akin ng pangit na si Coach Limer. Napakapangit niya talaga. Makasaway akala mo siya ang bumili ng gatorade.
"Penge lang," nginusuan ko para pumogi naman siya kahit ilang segundo lang.
"Penge lang ang dami mo ng nainom." Tinawanan nila ako. Napakatigas ng mukha nilang lahat. Akala mo naman mga gwapo, eh mukha namang mga paa.
"Penge nga lang eh," katuwiran ko. Napakahirap bang intindihin ang salitang penge? Oh sige, can I have na lang.
"Uy," sinaway na ako ni Darylle, ang dakilang kontrabida sa istorya ng buhay ko. Palagi niyang kinokontra ang mga wants ko. "Hindi sa 'yo 'yan."
"Tatlo lang naman."
"Hindi naman kasi para sa atin 'yan."
"Nakakapagod kayang maging water girl."
"Hindi ka nga nagbuhat." Natawa ako dahil totoo naman 'yon. Wala naman talaga akong ginawa bukod sa tumayo. "Last na 'yan ah? Kapag naubusan ang mga players ikaw ang bibili ha?"
"May pera 'ko." Nakakainis talaga ang anak ni Jollibee. Napakalaki ng kaniyang mata, lalo na kapag nagagalit. Itinuon na namin ang atensiyon sa laro. Nalamangan na ang mga bataan ni Coach Limer, dahil malaking kawalan sa kanila ang pilay na 'to. 2nd Quarter pa lang naman pero dapat maingat pa rin sila. "Coach, kunin mo akong import," sabi ko sa pangit na si Limer. Imported naman ako eh, fresh from keps ni Mamaw. Feeling tunay na baby na naman ako ni Mamaw, pero okay lang, cute naman ako.
"Kung pwede lang," sabi niya sabay tawa.
"Sige na, aapakan ko 'yon oh." Tinuro ko 'yung nang-apak kay Papwa Yixing. Hindi talaga ako matatahimik hangga't hindi ako nakakaganti. Siyempre, lobo rin naman ang singkit na 'to. At ang sabi pa nila, dapat manalo rin sila Coach Limer para makuha namin 'yung trophy na may snake.
Gusto ko non eh...
Akin 'yon!
"Pasaway ka," lalo lang siyang tumawa. Akala niya siguro nagBIBIro ako. Totoo ang sinabi ko, aapakan ko talaga 'yon kahit bataan pa ng Tito ni Uod ang isang 'yon.
Pababanatan ko na lang kay Papa Anaconda...
"Ayaw mo 'di 'wag," umirap ako. Siya na nga pachachampion-in ayaw pa. 'Wag pilitin kung ayaw. Nanood na lang ulit ako ng game nila Pare. Lamang ang kalaban nila ng 4 points, dahil nahihirapan sila. Wala naman maling sa laro nila, kulang lang sila sa saya. Dapat kapag naglalaro ka, nag-eenjoy ka rin.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiksi UmumContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21