Chapter 339: KU VS. CBeU 1 (SFD5)

114 12 1
                                    

🏰MATTHEW🏰

Kasalukuyan kaming nag-aayos dito sa locker room para sa huling laro namin sa round 1. Dagundong ang kaba naming lahat hindi dahil sa laro, kun'di dahil sa kalaban namin sa araw na 'to. Ilang taon na ang nakalipas mula ng huli naming makalaban ang Camp Bell. Kasama pa namin si Sean noon, at hindi naging maganda ang huling game na 'yon.

Ngayon na lang namin sila ulit nakabracket at nakalaban, kaya medyo kabado kami. Alam naming ang ilan sa mga 'yon ay beterano na, dahil talamak daw ang bagsakan sa Camp Bell. Masuwerte lang talaga kami dahil hindi namin sila nakakatapat nitong mga nakaraang taon. Pero mukhang naubos na ang suwerte namin ngayon, dahil sa araw na 'to, makakaharap na ulit namin ang pinakakinatatakutang esk'welahan sa lahat.

"Boys," tawag ni Coach. Pinalibutan namin si Coach habang nag-aayos ng sintas ang iba. "Kahit anong mangyari patience lang ha? Alam niyo naman ang makakalaban natin ngayon right?"

"Yes Coach!" Ramdam ang kaba sa pagsagot namin. Kahit matagal na kaming magkakasama, minsan dumadating sa point na pinagdududahan namin ang kakayanan ng bawat isa.

"Pasensiya lang, boys. Wala tayong choice, dahil hindi tayo pwedeng mamili ng kakalabanin natin. We have to do this." Marahan kaming tumango. Noong nakaraan pa namin tinanggap na kabracket namin ang Camp Bell pero parang ibang-iba ang dating non ngayon. Palibhasa makakaharap na namin sila ngayon kaya abot langit ang kaba. "We are safe sa laglagan, but it doesn't mean na pababayaan na natin. Kung manalo, good and kung hindi palarin, okay lang. Ang importante, maibigay niyo ang best niyo sa araw na 'to. I wanna SEE it."

"Yes Coach!"

"Let's go Gray Wolves!"

"Let's go!"

Sa pagkakataong ito, ayos lang sa akin na hindi kami manalo. Ang mahalaga sa akin ngayon, matapos ang laro na 'to na walang nasasaktan. Na sana, mairaos namin 'to ng payapa at walang initan o samahan ng loob.

"Let's go," yaya ni Coach Limer. Tinulungan na namin silang magdala ng gamit. Sumabay ako sa mga brader ko sa bandang gitna.

"Namumutla ka ah?" Puna ko sa Kapitan namin. Alam kong kabado rin si Guione, pero may Rejoice naman 'yan na mag-aalis ng kaba niya.

"Halata ba masiyado?"

"Medyo," sagot ko.

"Parang sasabog 'yung ulo ko." Sunod-sunod ang pag-iling niya. Halatang-halata talaga siya kapag kinakabahan.

"Kami rin naman," inakbayan ko siya at ginulo ang buhok niya. Masaya ako dahil okay na kaming dalawa ni Luke. Though minsan feeling ko nagkakaro'n kami ng inisan lalo na kapag nandiyan na si Mare.

Sobrang ingay ng Gym dahil sa dami ng tao. Dagsa talaga ngayon na halos mapuno na maski ang pinakalikod. Wala pa ang kalaban namin pero ang ingay na kaagad ng mga naka-brown.

"Boo!" 'Yan ang sumalubong sa amin sa entrance. Ang ibang mga naka-brown talagang nambabato pa. "Wala! Wala! Mga supot! Boo!"

"Haringbato!" Malakas na sigaw ng mga schoolmate namin. Nagkaisa sila para palakasin ang loob naming na pinahina ng mga sumalubong na Taipan.

"Haringsupot!" Sigaw naman ng mga naka-brown kasabay ng malakas na tawanan. Diyan sila magagaling, sa pang-aasar at pamimikon. "Boo!"

"Go Luke!"

"Go Yixing!"

"Go Rafael!"

Bumawi naman ang mga kapwa naming lobo, pero sadyang maiingay talaga 'tong mga kalaban namin. Para silang mga taga-palengke kung makaasta. Halatang sanay na sanay sa pakikipagbangayan.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon