🏰ERIC🏰
Sobrang nag-eenjoy ako habang nag-iikot-ikot kami nila Unique. Wala kasi kaming mga laro ngayon dahil katatapos lang ng round 1. Hopefully, matapos na lahat ng games sa round 1 sa linggong 'to. 'Yan ang announcement ng Dean namin sa page ng Camp Bridge.
Medyo nagagahol nga kami dahil sa nangyaring aberya last time. Ang narinig ko, aabutin daw ng first week ng September ang Sports Fest, pero baka isa o dalawang araw lang ang kainin. Depende kung aaprubahan pa ang Saturday class na nirerequest nila next week.
"Saan na tayo?" Tanong ko habang nagtatago sa gilid para hindi mainitan. Dito lang kasi malilim. Ayoko namang mangitim dahil baka alam niyo na, si Ganda.
Dapat malinis ako lagi...
"Kain tayo," yaya ni Clarence. Nilingon niya ang relo kaya nahagip din ng mata ko. Malapit na mag-alas dose kaya pwede na 'to pang-brunch.
"Sige," pagpayag ko. Dumiretso na kami ng lakad papunta sa canteen. Nakakatamad na ring maglakad dahil medyo tirik na ang araw. "Ano sa inyo?" Tanong ko habang nakatingin sa menu. Bigla kong naalala si Ganda kaya parang gusto kong magpaalam sa kanila. "Burger lang sa akin. Magsasnack lang ako." Diyan ako nauwi, para mamaya makakain ako kasabay ni Ganda. Baka magtampo na naman 'yon lalo na't nandoon na si Liezel.
"Ako na oorder," ani Unique. "Hanap na kayo ng upuan natin."
"Sige," ako na ang unang kumalas sa pila. Tinuro ko ang pagkain na gusto kong kainin. Inabot ko rin ang pambayad para sa pagkain na bibilhin ko. "Doon," tinuro ko ang lamesa na nasa gitna.
"'Ge pwede na 'yan." Nauna na ro'n si Tristan dahil dala niya pa ang buo niyang bag. Ayaw niya raw kasing iwan sa quarters dahil baka mawala. Naiintindihan ko naman dahil labas masok ang tao ro'n sa loob. Minsan nga kahit hindi varsity nakakatambay doon, dahil sa gate pass na umiikot na pati sa mga shota ng ibang player. Ginagamit nilang way 'yon para makaharot sa loob. Siyempre nga naman, may tulugan tapos aircon pa.
Sus...
Dumarami na ang bilang ng batang ama...
'Wag naman sana...
"Uy Eric," untag sa akin ni Tristan. "Ano na?"
"Ha?"
"Nandiyan na 'yung pagkain mo." Nilapit niya pa sa akin ang inorder ko. "Nauna ka dahil mas mabilis i-prepare ang sa 'yo."
"Hantayin ko na kayo." Nakakahiya naman kung ako kakain na habang sila nakat*nga diyan at hinihintay ang grasiya. Sandali pa kaming natahimik kahahantay kay Unique.
Nakangiti siyang naglakad papunta sa amin. Sinalubong siya nila Clarence kaya hindi na ako tumayo. Pinag-usod ko na lang sila ng upuan para hindi na sila mahirapan. May mga bitbit kasi silang pagkain.
"Hopya," inilapag na ni Clarence ang pagkain niya. "Lalo akong ginutom. Ang bango," puri niya sa pagkain matapos amuyin. "Tara dasal na tayo." Nanalangin muna kami bago magsimulang kumain. Nakagawian na rin namin dahil sa kaniya. Siya kasi 'yung laging nagreremind sa amin ng ganiyan. Hindi naman kasi ako perpekto, kaya minsan nakakalimutan ko rin lalo na 'pag ang sarap ng luto ko.
Ninamnam ko ang karneng malambot at lutong-luto. Kahit anong sarap ng pagkain, kapag matigas ang karne, wala 'yung silbi. Kaya dapat pinalalambot ang karne at hindi minamadali, gaya nito. Inaalis din dapat ang scum at 'wag pakukuluan kung frozen pa.
Tips...
Para pumogi sa kusina...
"Saan ka mamaya?" Tanong ni Unique. May kakaibang laman ang tingin nilang tatlo sa akin. "Kay GANDA?" Pinag-aasar na naman nila ako.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficção GeralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21