Chapter 313: KU VS. WVU 1 (SFD4)

108 10 1
                                    

🏰LUKE🏰

Huminga ako nang malalim habang hinahantay na magsimula ang jumpball. Umaasa kaming lahat na makukuha namin ang laban na 'to, para maseguro ang puwesto namin para sa laglagan sa Quarterfinals. Mahirap pero dapat manalo kami, dahil malalagay kami ng husto sa alanganin 'pag hindi.

Sa totoo lang, nawawalan na ako ng pag-asa na makaabot pa sa finals. Sa dami kasi ng makakabangga namin na team, hindi ko na alam kung sino ang kaya naming talunin. Lumakas na silang lahat, at kami naman parang humina, dahil napilay kami. Nakakainis mang aminin pero parang hindi nga yata namin kaya 'pag wala ang Sean na 'yon. Siguro nga, siya lang ang nagdadala sa amin.

Hindi ko alam kung anong mali sa akin. Minsan hindi ko maiwasang hindi magtanong, kung bakit parang ang unfair ng mundo. Wala naman akong ginagawang masama pero parang laging karma ang dumadating sa akin. Samantalang 'yung Sean na 'yon, ang sama-sama naman ng ugali pero parang lahat ng gusto niya nakukuha niya.

Bakit sa akin hindi 'yon pwedeng mangyari?

Unfair...

Ginagawa ko naman ang lahat pero parang kulang na kulang pa rin. Kahit anong gawin kong pagsusumikap lagi lang akong natatabunan ng iba. Para akong director ng magandang palabas, kung saan ang pinuri at pinarangalan lang ay ang umarte.

Nakakasama ng loob...

Ang mga aso ang nanalo sa tapikan kaya bumaba na kami para paandarin ang opensa at depensa na kailangan namin sa ngayon. Ngayon pa lang kailangan na naming makipagtagisan sa kanila, dahil hindi nga kami pwede masilat ngayon. 

Bawal matalo!

Nagmintis ang unang tira ng mga aso at si Yixing ang nakakuha non. Kami naman ang susubok para sa unang basket. Mula kay Yixing ay napunta 'yon kay Matthew. Pinasa niya kay JC at siya na ang nagdrive non. Matagumpay niyang nabutas ang basket para sa larong ito.

Hinabol ko kaagad ang binabantayan ko, dahil magaling din 'to. Nakalaro ko na siya nang ilang beses noon, at maski noong  nakaraang taon nakalaban din namin siya, kaya alam kong may tira rin 'to.

Pinasa niya 'yon sa mga kasamahan niya at sila na ang nagrotate ng bola. Nakaamba ang kaliwang kamay ko para pigilan siyang makalapit sa akin.

"Ikaw ulit?" Nakangiting sambit niya. Namukhaan niya rin yata ako.

"Ah oo," nginitian ko rin habang inaantabayanan ang susunod na galaw ng bola sa loob.

"Wala na 'yung bestfriend mo sa inyo?"

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi niya naman intensiyon na bwisitin ako, pero dahil tungkol 'yon kay Sean, 'yon ang nangyari. Nagulat na lang ako nang mag-jump shot siya sa harap ko. Pumasok ang tira niya kaya lamang sila ng isa dahil nakaapak siya sa pintura. "Naisahan mo ako ro'n ah?" Sabi ko habang humahabol sa kaniya. Minsan okay din na kakilala mo ang nakakalaban. 'Yon nga lang kapag nasasamahan na ng kuwentuhan, masisira na ang focus mo. May chance na mabaling sa iba.

Lumayo ako sa kaniya at nakipagpalit kay JC. Hindi niya naman ako sinundan kaya nakahinga ako ng maluwag. Ang ibang players kasi, kapag alam nilang takot kang magpabantay sa kanila, susundan at susundan ka nila kahit saan ka pa mapunta.

Napasahan din ako sa unang pagkakataon para sa araw na 'to. Galing 'yon kay Vasquez na mula sa loob ay nagawang ilabas ang bola, para iligtas mula sa mga agresibong manlalaro sa loob na gusto itong makuha. Pinakalma namin ang sitwasiyon sa pamamagitan ng paglalayo-layo at pagdiskarte sa susunod na gagawin.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon