🏰LUKE🏰
Lahat kami ay masaya nang magsimula ang huling quarter ng laro. Hindi man kami nakadikit ay pinamuuhan pa rin naman kami ng pag-asang makalapit. Siyam ang lamang nila sa amin bago magsimula at ngayon bumalik 'yon sa dalawang numero pero kahit papaano gumagana ang shooting namin kaya may pag-asa pa. Hindi pa tapos ang laro kaya may tiyansa pa talaga.
Kanina wala na akong gana, dahil para lang kaming naglalaro para makaraos. Pero iba na ngayon, kahit papaano ay nag-eenjoy na ako. Kanina hindi ako makangiti pero ngayon parang wala na lang sa akin, sa amin. Si Yixing, Matthew, Samuel, Rafael at ako ang nasa loob. Labing isa ang abante nila mula sa amin. Pabalik-balik sa siyam at walo 'yan, depende kung three points o two lang ang maidadagdag namin. Mahaba pa ang oras. May natitira pang walong minuto kaya kung titignang maigi, kaya pa naman talaga 'to. Ako lang ang nagsasabing hindi.
Duwag kasi ako...
Bading...
Hindi naging madali para sa amin ang sabayan ang lakas nila, lalo na't kung laki ang pag-uusapan wala talaga kaming panama. Mas mabilis din ang ibang player nila compare sa amin, kaya akala ko hindi na kami makakalapit. Kaunting puwersa na lang 'to, pero hindi 'yon magiging madali, dahil sa pagkakataong ito, hindi na lobo at ulupong ang magkalaban, suwerte vs. suwerte na.
Suwerte pa rin sila at kami naman ngayon pa lang binibiyayaan. Mas madali na para sa amin ang pumuntos, hindi gaya kanina na kahit isinusubo na namin sa loob iniluluwa pa rin. Ngayon nagiging magaan na sa amin ang bola.
Muling umingay sa paligid nang pumasok ang three points ni Parks, may bonus pa siya dahil nadali siya ni Samuel. Sumenyas siya sa amin at humingi ng pasensiya. Wala tayong magagawa dahil hindi niya naman 'yan sinasadya. 'Yon nga lang, katorse na ang lamang nila at 'pag naipasok pa ang bonus labing lima na naman.
Naku naman...
"Samuel 'wag mo kasi masiyadong dikitan," payo ni Matthew. Nakakabahala nga lang dahil kung gaano namin sila kabilis mahabol, gano'n din sila kabilis makalayo sa amin. Kanina onse lang ngayon ang laki na naman.
Sakit sa ulo...
"Sorry," sabi niya ulit. Napapikit siya at napailing ng tuluyan nang higupin ng basket ang bola.
"Bawi tayo!" Sigaw ko. Nasa amin naman ang bola kaya dapat makapuntos kami para hindi na lumala. Mas mabuting makabawi din kami kaagad para hindi kami panghinaan ng loob. Nakakapanghinayang kapag isa-isa na kaming nawalan ng pag-asa.
Pinasa sa akin ni Samuel ang bola. Dinribol ko muna habang nag-iisip at naghahanap ng pwedeng pasahan. Si Rafael, kahit hindi libre mas madaling postehan. Si Samuel naman makakadiretso sa loob dahil malapit siya sa arko. Si Matthew mahihirapan 'to dahil malalaki nga sa loob, gano'n din ang mama namin. At ako naman, sa bantay may problema. Ang tinik kasi gumwardiya nitong si Parks, ang hirap takasan.
Napailing ako dahil tumatagal na ako rito. Pinalusot ko sa ilalim ko ang bola at kinuha gamit ang kaliwang kamay, bago ko pinasa kay Rafael. No choice ako eh, baka mabulilyaso ang plano naming masabayan ang scoring nila kapag pinilit ko. Hindi sa naduduwag pero alanganin talaga ako ngayon. Bantay sarado kasi ako, pero ayos lang, sanay naman ako sa paassist-assist lang.
Dinouble team si Rafael kaya napilitan din siyang ipaubaya kay Samuel ang bola. Wala na kaming oras kaya diniretso niya na at inararo ang mga ulupong na matitindi rin kung pumulupot. Isang malakas na sigawan sa loob ang tumapos sa pagkakataon namin. Nagawa niyang ipasok 'yon pero umaalma si Samuel. Humihingi siya ng tawag pero hindi napagbigyan kaya kahit yamot ay pinasok namin ang teritoryo ng mga kalaban. Labing tatlo ang lamang, dahil tagumpay naman kami kanina.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiction généraleContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21