🏰MATTHEW🏰
Kasalukuyan kaming nagwawarm up para sa 2nd game namin, against White Hawks of St. Anthony de Padua University. Wala kami sa kondisyon dahil sa nangyari kaninang umaga. Nang makita pa lang ni Luke si Sean na nakatayo sa labas ng quarters namin kanina, naghinala na kami na baka may alam na nga siya. 'Yon din ang una naming naisip dahil base sa nakita namin kanina, nagpupumilit siyang pumasok sa loob.
Kahit na alam niyang bawal...
Mabuti na lang magkakasabay kaming pumasok kanina, dahil kung hindi, baka napaaway ang isa kina Guione at Luke. Lalo na si Luke, ang init na naman ng dugo ni Sean sa kaniya, kahit wala naman siyang ginagawa. Kaya ayan, nakabusangot na naman. Hindi ko siya masisi dahil nakakapang-init naman talaga ng ulo ang gano'n. Kahit ako, nababadtrip din pero wala akong choice kun'di pigilan. 'Yon kasi ang dapat.
"Luke," tawag ko. Wala kasi sa ayos ang compression knee and arm sleeves niya. Sinenyas ko na lang dahil mukhang naintindihan niya naman ang sinabi ko. Binatak niya ang arm sleeves niya sa kanan, para magpantay sa kabila.
"Magkakaaway na naman kayo?" Tanong ni Yixing. Lumapit siya sa akin, kasunod si JC. Kanina pa yata sila nakakahalata na ang tahimik namin.
"Hindi," ngumiti ako. "Nagkaproblema lang kanina." Hindi nila alam ang nangyari kanina, dahil kami nila Luke ang huling nakapasok kanina. Maraming taong nakakita kanina, pero mukhang wala naman ang mga kateam namin doon kanina.
"Baka makaapekto na naman 'yan sa game ha? Hindi tayo pwedeng matalo, baka maging kandidato tayo sa malalaglag niyan."
"Hindi 'yan, tiwala lang." Maski ako napabuntong hininga na lang. Gusto ko rin namang manalo pero kung hindi para sa amin ang gano'n, wala kaming magagawa.
Tumigil na kami dahil tumunog na ang buzzer. Nakasalubong namin kanina ang team nila Sean, mukhang panalo sila dahil may hawak na pizza ang isa sa mga kateam nila. Hindi nga lang namin nakita si Sean, at nakabuti 'yon para sa amin.
Less sa gulo...
Ayoko na nga sanang makialam sa mga gano'n, dahil baka madamay lang na naman ako sa gulo. Gaya kanina, kung tutuusin labas naman talaga kami ro'n, pero ang dating parang may kasalanan pa kami nila Guione, dahil hindi namin sinabi.
Eh ano bang malay ko na nagsisinungaling lang pala si Mina?
Hindi naman talaga ako naniniwala non, kaso nang mahimatay siya noong dry run, narealize ko ng baka totoo nga ang sinasabi niya. Ibang Mina kasi ang kilala ko sa nakakaharap namin sa ngayon. Ewan ko ba, ang laki na ng pinabago nilang dalawa ni Bridgette ngayon. Totoo nga, na kapag ang tao ay tahimik, ibig sabihin nasa loob ang kulo.
"Boys come here." Inipon na kami ni Coach Limer. Hinubad ko na ang warmer ko, dahil magsastart na ang laro. "Alam kong nasabi ko na 'to last time at sa GC kahapon. Alam kong nakukulitan na kayo sa akin, pero hindi ako magsasawang ulitin 'to ulit ngayon. Hindi tayo pwedeng matalo." Marahan kaming tumango. "Alam niyo 'yan, 0-1 ang standing natin. Delikado tayo kapag hindi pa natin nasilat 'to. Let's do our best and God will take the rest."
"Yes Coach!"
"Alcantara no more hesitations ha? Isasako talaga kita," biro ni Coach. Natawa naman kami nila Luke. Lalo lang tuloy siyang kakabahan niyan. "Sige na, sige na," ipinuwesto na niya ang kamay niya kaya ipinatong na namin ang sa amin. "Let's go Gray Wolves!"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficção GeralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21