🏰SYDNEY🏰
Dumiretso na kaagad ako kina Kendrick dahil ako naman ang taya ngayon. Ayaw ko sanang manlibre pero kailangan. Nakakahiya rin naman kasi kung makikita nila kaming dalawa ni Yixing doon. Kawawa naman 'yon, nauntog pa, pero okay lang, pogi pa rin naman siya.
Gusto ko talaga siyang tawanan kaso hindi ako pwedeng magpahalata, kaya para akong g*gong pangiti-ngiti rito sa gilid habang hinahantay ang inorder ng mga beshiewap ko. Sila ang naghanap ng mapupuwestuhan, doon sa may mapuno na part para raw malilim. Takot na takot mangitim kaya doon sila sa mapuno nag-ipon-ipon. Ako naman, naiwan dito para hantayin ang binili ko.
Ako na ang naglibre, gusto ako pa magbitbit. Matitindi talaga ang mga kaibigan ko, abusado. Kung hindi ko lang loves 'yan hindi ko ililibre ang mga 'yan. Pero dahil nilibre rin naman ako ni Yixing okay na, palag-palag na talaga.
Kinikilig pa rin ako!
Paano ba makaget over?!
"Uy Lola matagal pa?" Lumapit na sa akin si Georgina.
"Paano niyo nalamang nando'n ako?" Tanong ko. Nawala talaga sa isip ko 'yan, dahil na rin sa sobrang kilig. Kanina ko pa 'yan gustong itanong.
"Te nag-iwan ka ng message sa GC," sagot niya.
"Oo nga pala." Doon ko lang naalala na ginawa ko nga 'yon, para 'di sila mag-alala. Hindi ko naman inexpect na susunod sila sa akin. May atraso silang lima sa akin ngayon. Naudlot ang lovelife ko.
Pwede ba ki...?
Anong kasunod non?!
Gusto ko rin sanang i-suggest sa kaniya 'yung salitang 'tang ligawan' bilang kadugtong ng sasabihin niyang hindi niya maituloy-tuloy. Kaso, baka mali ako at masabihan pang assuming kahit 'yon naman talaga ang totoo. Wala na kasi akong maisip na kasunod maliban do'n, kaya umaasa na naman ako.
Si Xiao kasi eh!
Nambibitin...
Lalo tuloy akong natatakam, este nae-excite pala...
"Nag-alala kami sa 'yo ni Kendrick kaya sumunod kami," bulong ni Georgina. Seryosong-seryoso ang mukha niya. "Okay ka lang ba talaga?"
Okay na...
Dahil kay Xing...
"Siguro," nag-aalangan kong sagot. Sa pagkakataong ito kasi, mas iniisip ko 'yung naudlot namin paglalandian ni Yixing kaysa ro'n sa ginawa ni Ace.
Teka...
Paglalandian?
Kumain lang naman kami!
"Kapag kailangan mo ng kausap nandito lang kami. Pwede mo kaming sabihan. 'Wag mong sasarilinin."
Napangiti ako dahil napakasincere din ng isang 'to. Masaya talaga ako dahil nahanap ko na 'yung perfect squad para sa akin. May babae, lalaki, bakla, tomboy at baboy. Kaya kapag kasama ko sila, nawawala talaga ang stress ko. Lakas kasi nila magpagood vibes. "Okay naman ako, basta 'wag lang mauulit 'yon."
Ngumiti siya bago lumapit sa akin ng husto. "Syd, may sasabihin ako sa 'yo."
"Ano 'yon?" Hininaan ko rin ang boses ko dahil mukhang confidential.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21