🏰MARGA🏰
Kung boring dito sa Palasyo noon mas boring dito ngayon. Para 'tong coloring book na binawian ng buhay. Sobrang tahimik at laging may ginagawang pagpupulong ang mga opisyal sa taas. Hindi ko alam kung saan patungkol ang pinag-uusapan nila dahil hindi naman kasali si Mama maski si Papa hindi rin kasama.
Ilang araw ng hindi nag-uusap ang mga magulang ko. Magmula ng mawala si Marco magpasahanggang ngayon. Hindi rin sumasabay si Papa sa pagkain namin kaya laging mainit ang ulo ni Mama. Kung hindi ako nagkakamali, hindi na nakita ni Mama si Papa mula nang huli kaming umalis galing sa paghahanap kay Marco.
I can't blame him dahil lahat sila si Mama ang tinuturong may kasalanan kung bakit umalis ang pasaway kong kapatid. Nang dahil din sa pagkawala niya, hindi na kami nakakabalik sa Kampo. Nakatulong naman 'yon dahil ayaw ko na ring bumalik doon. Pagod na pagod na ako at isa pa, wala naman akong natututunan maski isa. Walang tumatatak sa isip ko dahil na rin sa kadahilanang hindi ko gusto ang ginagawa ko. Ang pangarap ko ay maging designer at hindi maging isang babae na gumagamit ng sandatang panlalaki.
Umikot ako sa kama at tinignan ang kisame. Halos maubos ko na lahat videos, movies and series online at wala na akong mapagkaabalahan. Bored na bored na talaga ako, at kapag hindi pa 'to nahinto baka ito na ang ikabaliw ko. Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang may maisip akong gawin. Isang bagay na matagal-tagal ko na ring hindi nagagawa.
Sneaking out...
Dali-dali kong kinontsaba ang mga guwardiyang naka-assign sa akin. Nagpalit na rin ako ng damit. Madali naman silang kausap dahil naiintindihan nila ang lungkot na dinaranas namin dito ni Marco. Hindi ko alam kung masasanay pa ba ako sa ganitong sitwasiyon namin ng kapatid ko. Napakahirap talaga ng ganitong buhay.
"Mahal na Prinsesa, tara na."
Iginaya ako ng guwardiya papunta sa sikretong lagusan namin. Nakahanda na raw ang sasakyan sa labas. Nagmadali na ako dahil baka may makakita pa sa amin. Nanlaki ang mata ko sa sobrang gulat nang maabutan ko si Mama na nakatayo mismo sa kotse na dapat sana ay gagamitin ko.
"Pasok," utos niya. Dali-dali akong bumalik sa loob at patakbong bumalik sa kuwarto ko. Sumunod sa akin si Mama kaya inasahan ko ng pagagalitan niya ako. "Anong ginagawa mo, Marga?" Pagalit niyang tanong. "Hindi porket abala ang mga tao sa Palasyo ay sasamantalahin mo na."
"Mama, gusto ko lang pong hanapin si Marco." Wala na akong maisip na ibang palusot maliban diyan. Kung sasabihin kong mag-gagala ako, lalo niya lang akong pagagalitan.
Nagbaba siya ng tingin at bahagyang humupa ang galit. "Magbihis ka," utos niya sa akin.
"Nakabihis na ako Mama."
"'Yung maayos, dahil pupunta tayo sa rest house na pinapagawa natin. Inutusan ako ni Papa na ipatapos na 'yon ng sa gano'n ay magamit na bilang pahingahan. Gustong magpahinga ng Hari sa makalawa, kaya inaasahan niyang matatapos na 'yon kaagad."
Nalungkot din ako dahil alam kong problemadong-problemado na sa amin si Lolo. Magmula kasi ng mawala ang paborito niyang apo, napadalas ang pananatili niya sa kuwarto, kaya naman halos si Lolo Miguel na ang nagpapatakbo rito sa Palasyo.
"Bakit kasama ako?" Tanong ko habang inaalis ang rubber shoes na suot ko.
"Ano ka ba naman, Marga? Nararapat lang na magpakitang gilas ka naman sa Hari. Dapat ipakita mo sa kaniya na karapat-dapat kang mapabilang sa linya ng mga tagapagmana ng trono. Kailangan nating magpalakas sa kaniya, lalo pa't mukhang saglit na lang ang itatagal niya."
"Mama," nananaway kong sambit. Hindi ko nagugustuhan ang salitang lumalabas sa bibig niya. Kung makapagsalita kasi siya parang hinihiling niya pang sana ay mamatay na ang Hari. Ang ambisyon niyang napakataas ang sumira sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21