🏰GEORGINA🏰
Kulang na lang gumapang kami ng beshiewap ko paakyat. Sobrang sakit talaga ng katawan namin dahil sa laro kahapon. Mabuti na lang nanalo kami against Purple Cranes. Mahirap pero nagawa naman naming talunin, umabot nga lang ng apat na set dahil naging madugo ang labanan.
Pero kung nahirapan kami, mas nahirapan sila Kendrick dahil Camp Bell lang naman ang kalaban nila kahapon. Inabot sila ng limang set dahil sa sobrang ganda ng laban. Nakanood pa nga ako eh, pero 'yung dulo na lang kasi 'yon lang ang inabot ko.
Kaya heto kami ngayon, bugbog sarado na naman. May laro pa kami mamaya bago mag-lunch. SADPU ang kalaban namin, sila Kendrick naman EVU, after lunch ang sched nila. Last games na namin 'to para sa unang round kaya sana makuha namin.
Pero bago 'yon, chichikahin muna namin ang mga beshiewap naming nanood pala kahapon! Wala na kaming magagawa dahil nakita na ng mga gangster sila Alex kahapon sabi ni Sydney. Pinigilan niya naman daw, pero knowing Alex plus si Darylle pa. Kulang ang tili ng isang Sydney Angelique Zoñio para pahintuin sila, dapat kasama niya kami.
Natanaw ko na si Cassey sa labas ng locker room namin. Doon siya madalas tumambay kapag walang ganap sa buhay. Naintindihan ko naman siya, lahat kami varsity kaya wala siyang kasama kung magsestay siya sa outside world.
"Te ano na te? Chika na," sabi ko sa kaniya. Handang-handa na ako kanina pa.
"Good morning Lola Cassey," bati naman ni Kendrick sa beshiewap naming tila kababangon lang. Naghihikab pa kasi. Kung makikita kami ng tatlong basketballista malamang aasarin na naman kaming tatlo. Lagi kasi kaming namamataan na magkakasama tapos nasa gitna pa si Kendrick madalas.
"GM," tamad na bati ng mamoy. "Hanu na? Anong plano? Picnic tayo."
"Oo tapos si Lola Alex ang manlilibre," pagsang-ayon ng bwakla. Nagtatalon sila sa saya. Kawawang Alex, walang kamalay-malay na pinagpaplanuhan na ang baon niya. Hindi pa man lang din nakakapasok, pinagpaparte-partehan na namin ang baon niya. "Si Sydney? Nakita niyo?"
"Hindi," sabay naming sabi ni Kendrick.
"Ano ba 'yan?" Reklamo niya. "Sabi kanina malapit na, grabe ah? Mag-iisang oras na? Ano ba 'yung nilalakaran niya? Red carpet?"
Nagkatinginan na lang kami ni Kendrick. Mukhang pareho ang itinatakbo ng isip naming dalawa. Baka maulit na naman 'yung nangyari sa kaniya doon sa CR.
"Tara," yaya ko. Hindi na nagreklamo si Kendrick at sumunod na rin.
"Hoy wait anong meron?" Tanong ni Cassey habang pilit sinasabayan ang lakad namin ni Kendrick. "Hoy mga te, baka naman, uso magkuwento. Ano meron?"
"Mamaya na te," sabi ko. Nakarating kami sa baba pero wala kaming nakasalubong na Lola Sydney. Kinabahan na naman tuloy ako, pakiramdam ko kasi may nangyaring hindi maganda.
"Saan natin hahanapin?" Pabulong na tanong ni Kendrick. Napabuntong hininga ako, dahil maski ako hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin.
"Tawagan ko nga," ani Cassey. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Professor X. Natanaw namin si Yixing na mag-isa lang. Naglalakad siya pabalik dito sa quarters. Mukhang mainit ang ulo dahil nakakunot ang noo. Tumabi kami dahil may poging dadaan. "Hindi na naman sumasagot si Sydney."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21