Chapter 204: PINAGBABAWAL NA TECHNIQUE

125 12 0
                                    

🏰GLYDEL🏰

Talaga namang pinagtitinginan kami ng mga tao rito sa loob ng Jollibee. Paano ba naman kasi, sobrang haba ng mesa namin na pinagdugtong-dugtong para lang magkasiya kami. Kasama kasi namin ang mga tauhan ng Bibi ko para mas marami raw ang toys.

T*ngina talaga...

Ang pinakamasakit sa lahat, ginamit namin ang pinagbabawal na technique.

Isa lang ang inorder namin dahil si Alex lang ang naka-Jollibee, nasa ibabaw pa ng lamesa ang pangit at para ng musang dahil sa sauce ng spaghetti. Tapos kaming lahat ay puro happymeal na!

Nakakahiya 'di ba?!

Patawad Jollibee...

Hindi namin sinasadya...

Baka mamaya makita pa ako ng mga tindero't tindera ko, sabihin 'si GDV bastos sa Jollibee kumakain pero McDo ang nginunguya'.

Whatta shame...

Inihanda ko na rin ang baril ko para 'pag sinugod kami ng angkan ng mga bubuyog handa ako. Napangiwi ako ng mahagip ng mata ko ang mukha ni Jollibee sa kinakainan ni Alex. Ang lintek na Jollibee, nakangiti pa rin kahit ginagago na ng harap-harapan.

Nguso naman diyan...

Yabeeyabee!

Iniharap ko kay Jollibee ang nakangiting box ng happy meal. Para tuloy nagngingitian si Jollibee at si McDonalds, na tila ba hindi man lang napopoot sa isa't-isa.

Sige mga t*nga, magngitian pa kayo diyan!

"Ang sarap naman dito sa Jollibee," sabi ni Reiven sabay tawa. Masarap daw sa Jollibee pero sa McDo galing ang kinakain.

"Oo nga," pagsang-ayon ni Bradley. "Ang sarap ng chicken nila, the best."

"Wahahahahahahahahahahaha!"

"Mas masarap ang toys," sabi ni Tonton. Nginitian niya ang anak kong magaling. Punong-puno na ang paper bag niya ng mga laruan. Nagkikilig-kilig na naman ang anak ko ng mahuli niya akong nakatingin sa kaniya. Nginusu-ngusuan niya pa ako. Tuwang-tuwa na naman tuloy ang Bibi ko.

Kahinaan niya talaga ang mga bata...

"Ayos din naman pala rito sa JolliDo," ani Morgan sabay harupak ng tawa. "Ang dating chicken joy naging chicken sad na."

"Wahahahahahahahahahaha!"

Napahawak ako sa tiyan ko sa kakatawa. T*ngina talaga ng mga 'to, kahit kailan. "Sinong hindi malulungkot? Eh harap-harapang pagtataksil kay Jollibee ang ginagawa natin."

"Okay lang 'yan Maw," sabat ni Reiven. "Mukhang sanay naman na sila." Nginuso niya 'yung mag-ina na kumakain. Jollibee sa bata at KFC naman sa Nanay.

Hindi lang pala kami...

"Nasaan na sina Suntok?" Tanong ni Manolo. Ang mga anak ni Edna tawa ng tawa ng nalaman ang pangalan ng dalawang pangit na anak ni ReiRei.

Si DanDan daw ang Nanay...

Kaya apo ko rin ang dalawang 'yan...

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon