Chapter 222: PARADE 4 (SFD1)

109 13 0
                                    

🏰ALEX🏰

Napayakap ako sa Kuya kong pakunat na ang B nang magsimulang umingay sa paligid. Naalala ko kasi 'yung ganitong eksena dati. Ganitong-ganito 'yon, iba lang ang mga tao pero 'yung ingay at 'yung tinutugtog nila, pareho. Naalala ko bigla 'yung unang beses akong nakalabas, 'yung may nagtangka sa buhay ko. 'Yung nakasaksak ako kahit hindi ko gusto. Natatakot talaga ako na baka maulit ang nangyari noon.

Paano kapag may tumutok ulit sa akin ng kutsilyo?

Paano kapag nakasaksak na naman ako?

Natatakot ako...

Lalo akong nalambot ng magkagulo sa may unahan. Para kasing may nag-aaway doon kaya lalong umingay. Hinigpitan ko ang pagkayakap ko sa Kuya ko at mariing pumikit. Gusto kong takpan ang tenga ko pero gusto ko ring mangyakap.

Bakit kasi dalawa lang ang kamay ko?!

Dapat marami! 'Yung sobrang dami! 'Yung pinakamadami!

"'Wag ka na umiyak." Niyakap din ako ni Kuya ReiRei. Alam kong nag-aalala na siya sa akin. Wala pa naman akong dalang gamot dahil matagal na akong hindi umiinom non. Akala ko kasi kaya ko na dahil okay naman ako kanina. Pero nagbago ang pakiramdam ko ng umingay talaga sa paligid.

Nangangatog ako...

"Kuya ayaw ko na rito." Nakataas ang balikat ko at pinipilit na idikit sa tenga ko para matakpan 'yon, pero 'di kaya. "Uwi na tayo. Doon na lang ako kay Papa sasama. Sa may resort, sa may dagat."

"Ssshhh..." Hinaplos ng Kuya ko ang hair kong pangit. "Look at them. They are harmless, maingay lang sila."

"Scary Kuya ReiRei," tinakpan ko ang tenga ko dahil hindi ko na kayang tagalan ang naririnig ko. Para akong hihimatayin na hindi mo maintindihan.

"Hingang malalim," sabi niya. Umiling-iling ako habang dinidiinan ang kamay ko sa tenga ko. "You can do it. Mayabang ka 'di ba?" Hindi ako makatango dahil sa pagkakataong ito, naduduwag ako.

Ano na Boss Baby Uod?!

Mayabang ka 'di ba?!

Nasaan na ang yabang mo?!

"Hindi na ako mayabang." Mas gugustuhin ko pang mapahiya kaysa magtagal dito. Mamamatay ako sa takot.

"Kung nandito si Mamaw pagtatawanan ka non. Gusto mo ba 'yon? Siya? Gusto niya 'yon."

Nanlaki ang mata ko ng banggitin niya si Mamaw. Tama ang Kuya ko, kung nandito 'yon malamang naiihi na 'yon sa katatawa dahil natatakot ako. At malamang, niyayabangan na rin niya ako ngayon.

Hindi pwede 'yon!

"Okay ka lang?" Lumapit sa akin ang babe ko na si Darylle. "Natatakot ka ba? 'Yung gamot mo? Wala ka bang dalang gamot?"

"Wala," nakangusong sagot ko. Nakita ko ang marahang pag-galaw ng dibdib niya kaya alam kong bumuntong hininga siya.

"Ano bang pangalan non? Baka pwede tayong bumili?"

Muli kong sinulyapan ang mga nagkakagulo sa unahan. Tumigil na sa pagtugtog ang mga nasa likod, dahil yata sa away sa may unahan. Makikisali sana ako sa away eh, natakot lang ako.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon