🏰DARYLLE🏰
Nilinis namin ni Ate ang suite ni Tito Tonton. Kanina lang pala siya pinayagang kumain. Kami nila Mama ang nagbabantay sa kaniya ngayon. Mamaya uuwi na rin kami, dahil may pasok na naman kami bukas. Si Mama na muna ang mag-aasikaso kay Tito habang nandito siya sa ospital. Hindi rin naman kakayanin ni Tita Glydel na bantayan silang tatlo. Nakakalakad naman si Tito Morgan, nakikipagbiruan pa nga siya kanina eh. 'Yon nga lang may tama rin pala siya kaya bantayin pa rin.
Magkausap pa rin sila Mama kaya kami ni Ate, tahimik lang sa gilid. Ayaw na ayaw kasi ni Mama 'yung nag-iingay habang may kausap siya. Kapag pasimple na siyang nandidilat ng mata kabahan ka na.
Narinig ko ang boses ni Alex mula sa kabila. Galing yata 'yan doon kina Tito Morgan. Narinig ko kasi sila kanina ni Kuya Reiven na lumabas doon sa suite ni Tito David.
"Hello," bati niya sa amin. "Papunta na si Mother Uji rito. Birthday niya ngayon." Napalingon kaming lahat sa kaniya.
"Birthday ni Eugene?" Gulat na tanong ni Mama.
"Oo, ang balak talaga namin, magcelebrate doon sa bahay niya. Pero dahil mga baldado kayo ngayon, ang may birthday na ang pupunta. Mangongolekta lang naman ako ng ambag." Pinakita niya sa amin 'yung hawak niya na tela. Kapareho non 'yung sa simbahan.
"Tumigil ka diyan Alexaundra, baka samain ka sa akin." Pinagbantaan kaagad siya ni Mama. "Kolekta-kolekta ka pa, ibubulsa mo lang 'yan eh."
"Hoy hindi ah," tanggi ni Alex. Nakita kong pinipigil niya 'yung tawa kaya mukhang tama si Mama. Ibubulsa niya nga 'yon. "Oh sige, 'wag na nga." Hinagis niya 'yon sa gilid. "Nagpakahirap akong gumawa niyan." Natawa kami dahil naudlot ang plano niya. "Basta, pupunta si MU rito. Birthday niya ngayon, kayo na ang bahalang mag-abot. Bawal ang kuripot!" Pinandilatan niya talaga ng mata ang Mama ko.
"Hoy pinatatamaan mo ba ako?" Napatayo si Mama at nagpamewang.
Ginaya niya ang tayo ni Mama. Gano'n din ang nanlilisik niya mga mata. "Oo, pinatatamaan kita. Hindi ka nakailag no? Sapul na sapul ba?"
"Ikaw na bata ka?"
Hindi pa man din nakakalapit si Mamaw ay nagtitili na siya. "Arouch Mamaw! Arouch!" Ngumuso siya bago umiyak. Bumukas kaagad ang pinto, si Tita ang pumasok sa loob. "Mamaw, arouch po." Hindi ko alam kung paano niya napagsasabay ang pagpapacute at pag-iyak.
"Sinabi ko bang gumalang ka?" Imbes na awayin si Mama ay si Alex pa ang nasinghalan.
Lalo tuloy tumindi ang pagnguso niya. "No no yow, Mamaw."
"No no yow naman pala eh, bakit nag-po ka na naman? 'Di ba ang sabi ko bawal 'yon?"
"Nakalimutan ko Mamaw." Yumakap na kaagad siya kay Tita. Pinaghahalikan niya ang Tiyahin ko kaya hindi na naman ito nakaporma. Ngising-ngisi tuloy ang ampon niya.
"Dito ka lang," kumalas siya sa pagkakayakap ni Alex. "May kukunin ako sa baba."
"Sama!"
"Hindi na, dito ka lang. Damit niyo nila Umbag ang kukunin ko."
"Sama ako Mamaw!"
"Hindi na sabi," naiinis na yata si Tita. Si Alex kasi ang hirap na namang pakiusapan. "Ang tigas talaga ng keps mo no? Dito ka lang. Ate bantayan mo 'to ha?"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21