Chapter 298: DISHWASHING CONTEST

120 11 3
                                    

🏰LUKE🏰

Medyo nalate ako ng uwi dahil sa tindi ng traffic. Mas late akong nakauwi ngayon kumpara noong Saturday. Grabe kasi talaga 'yung traffic eh, 'yung nakaidlip na ako pagkagising ko nando'n pa rin ako. Mabuti na nga lang at hindi dumiretso ang tulog ko, dahil kung tumuloy 'yon, nasa presinto na siguro ako ngayon. Salamat sa pizza at nabawasan ang antok ko. Banatan ko ba naman 'yung hot sauce eh.

Gising!

Naabutan ko si Daddy na nag-aabang sa labas ng gate namin. Pinabuksan na niya kaagad ang gate nang mamukhaan ang sasakyan ko. Kadarating lang siguro nila dahil nakasuit pa siya. Nagmani obra na ako at inatras ang sasakyan ko papasok sa paradahan. Sinilip ko si Daddy na nakakunot ang noo, baka nagalit dahil late na ako. Inayos ko muna ang sasakyan ko at ang pinagkainan ko siyempre. Bumaba na ako kaagad at tinapon sa basurahan ang box ng pizza na binigay ni Danica.

Bayad niya raw 'yan...

Pasaway talaga...

"Dy," tawag ko. Lumapit ako para magmano.

"Tara sa loob, Luke mag-uusap tayo."

Kinabahan agad ako dahil iba ang tono ng pananalita niya. Tapos nakakunot pa ang noo kaya nakakatakot talaga. Siya ang nauna sa loob dahil nag-inhale exhale pa ako sa labas. Pampagaan lang ng loob. "My," I kissed her right cheek. I'm nervous.

"Sitdown," utos ni Daddy. Naupo na rin siya sa gilid namin ni Mommy.

"Pakainin mo muna ang anak mo Carlos," sabi naman ni Mommy. Nakahawak siya sa likod ko.

Napaisip tuloy ako kung may kasalanan ba akong ginawa, pero parang wala naman. "Okay lang," sabi ko. Mas mamamatay ako sa kaba kapag pinatagal pa 'to. "Ano ba 'yon?" Nag-aalangang tanong ko. Nilingon ko pa si Mommy dahil natatakot ako kay Daddy.

"It's about Audrey, Luke."

Napatingin ako kaagad kay Daddy. Mukhang alam ko na kung anong nangyayari. Siguro nagsumbong sa kaniya si Sean. "I'll explain. Daddy hindi si Audrey 'yon."

"So alam mo nga?" Lalong kumunot ang noo niya nang hindi ako makasagot. "Luke naman," nasapo niya ang noo niya. "Alam mo naman pala, bakit hindi mo sinabi sa kanila? Kahit hindi na kay Sean, kahit kay Tito Raymond mo na lang sana. Anak nakakahiya, sa iba pa nila nalaman ang tungkol doon. Samantalang ikaw, araw-araw mong nakikita. Nakakasama nga naman ng loob, dahil pwede mo naman siyang sabihan kahit sa chat pero 'di ka man lang nag-abala."

"Daddy hindi niyo kasi naiintindihan."

"Anong hindi ko naiintindihan?! Ang linaw-linaw!"

"Carlos," saway ni Mommy. "Hindi mo kailangang sumigaw."

"Nakakapang-init ng ulo eh," ani Daddy. "Huling-huli na nagdadahilan pa."

"Eh kasi hindi niyo naman alam," sabat ko.

"Sasagot pa, sasagot pa," pinandilatan ako ni Daddy ng mata. Kaya akong nagsasabi eh, kasi laging ganiyan ang reaksiyon nila. Ako lagi mag-aadjust kahit ako na nga ang naagrabyado. "Kung sinabi mo na lang sana sa kanila ang tungkol doon hindi na aabot sa ganito."

"Daddy hindi nga kasi siya 'yon," inis kong sabi. Alam kong hindi sila Tito Raymond maniniwala dahil ganiyan din ako noong una. I've been there.

"Luke pwede ba, stop lying anak. Hindi na nakakatuwa. Sino ang nagsisinungaling sa inyo? Ikaw o Si Raymond? Kasi ang sabi sa akin ni Raymond kitang-kita niya raw, si Audrey raw 'yon. Nando'n ang buong pamilya nila sa birthday ng kaibigan ni Sarah. Kilala ka nga raw ni Audrey sabi niya, nabanggit ka kahapon."

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon