🏰KENDRICK🏰
Pakendeng-kendeng akong naglalakad papasok sa campus ng Camp Bridge. Nagbabakasakali lang naman na makadekwat ng Papwa na bibihag sa puso kong magwanda. Masiyadong naaagaw ni Georgina ang atensiyon ng mga Papwa sa paligid kaya sinabihan ko siya na sa likod ko pumwesto, para ako ang unang makita ng mga madla. Naniniwala kasi talaga ako sa love at first sight.
Malay niyo naman makadekwat...
"Hi boys," sabi ko sa mga nakatambay. Mga naka-Yellow silang shirt. Daig ko pa ang nag-lava walk pero waley. Waepek na namern ang beauty ko. Kinabog na naman ako ng mga may mani.
Hay buhay...
"Wala Kendrick," narinig ko ang tawa ni Georgina. "Kahit saan ka ilagay iisa lang ang sumada."
"Manahimik ka diyan," saway ko. Mabuti na lang nanalo kami kahapon kaya good mood ang Lola niyo ngayon. May makakabangga na namern kami ngayern at sa sobrang kasamaan ng palad kasabay na naman namin sina Lola Alex niyo.
Sayang talaga...
Bet na bet ko pa namang manood ng game nila tapos makikipagrant ako sa mga kalaban namin. Pero ayos lang at least makakanood ako ng laro nila Papwa Luke. Bet na bet ko kapag pinagpapawisan ang mga boys. Mas lalo silang nagiging hot.
"Si Sydney ba 'yon?" Napalingon ako kay Georgina at nilipat din ang tingin sa tinititigan niya.
"Siya nga." Nakita namin ang Lola Sydney niyo na kalalabas lang sa CR ng mga...
Lalaki?!
"Bakit doon siya galing?" Nakakunot ang noo ni Georgina nang lumingon sa akin. Galing siya sa CR malapit sa quarters namin.
"Okrayin natin," yaya ko. Nakalimutan ko nang kumendeng dahil sa kamamadali. Nashook kami nang makita namin siyang dali-daling dumiretso sa CR ng mga babae. Natawa kaagad ako. "Te feeling ko na-Wow Mali 'yon." Nahinto ako sa paglalakad.
"Mukha nga," aniya. Sa palagay ko, nagkamali nang napasok ang Lola Sydney niyo. Doon siya sa mga lalaki napadpad.
"Tara na te," hinigit ko na ang Lola niyo para bongga na.
"Saglit lang," pigil sa akin ni Georgina.
"Ano na naman te?"
"'Yun 'yung Ace 'di ba?" Ang hilig niya yata magturo ngayon mga beshie.
"Yata," nakatalikod kasi mga beh kaya hindi ko nakita ang fez pero mukhang siya naman talaga 'yon. "Teka," natakpan ko ang bibig ko. Nanlaki rin ang mata ni Georgina, dahil gumagana na naman ang utak naming iisa lang yata ang tinatakbo.
"Bakit sila magkasama sa CR?" Mahina at tarantang tanong ni Georgina. "Oh my god..."
"Hoy hindi ganiyan ang Lola mo." Masama ang mag-judge pero minsan hindi talaga maiiwasan. At mas nashook pa kami dahil may lumabas pa ro'n na dalawa pang lalaki.
Oh...
Napilitan kaming magtago sa gilid. Gugulatin na lang din namin ang Lola niyo kapag lumabas siya. Sinenyasan ko si Georgina na panay pa rin ang tanong hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21