🏰ALEX🏰
Nawakey-wakey ako dahil kay Umbag. Nididilaan niya kasi ang face ko tapos nitatahulan pa. Sobrang noisy, napakanoisy, pinakanoisy sa buong mundo. Hindi ko alam kung anong trip ng pangit na 'to. Napaungot ako dahil sleepy pa ako, pero mukhang may bet gawin ang unico hijo ko kaya nangwewakey-wakey siya.
"Bakit?" Pupungas-pungas ako. Talagang hindi ko pa can mag-jump out of kama. "What do you gusto? Don't be so maingay Umbag. They are natutulog pa." Napanguso na lang ako ng luminggis-linggis siya sa akin. Nagpapalimlim lang pala. "Tulog pa us?" Tumango ang Umbag ko. Niyakap ko siya at kinumutan. Napakabango ng anak ko, wala siyang kasing bango. Mabuti na lang mayaman 'to, dahil kung hindi, wala talagang magkakacrush sa kaniya. Sobrang pangit niya kasi talaga.
Tila nawala ang antok ko habang tinatapik-tapik ko 'to si Umbag. Siya naman, mukhang dinadalaw na ng antok. Kiniss ko ulit siya para makasleep na siya.
Kahit anong gawin kong lay down hindi na ako makasleep. Si Umbag kasi eh, nigising ako. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at sinubukang kontakin si Mamaw. 3 AM pa lang pero baka mag-answer naman si Mamaw.
Napangiti ako ng sumagot siya. Bahala na kung singhalan niya ako, ang importante marinig ko ang pagkapangit-pangit niyang voice na nakakapagpabago ng aking life.
"Anong kailangan mo, Pangit?" Tanong niya. Akala ko 'Oh?' na naman ang sasabihin niya.
"Mamaw ang cute ko." Napahagikgik ako dahil trip ko lang. Bakit? Ako bida rito ah!
"Kaya mo ako tinawagan para diyan? Alam mo bang pagod ako dahil sa Papa mong makunat ang B?"
"Hindi," diretsahang sagot ko. Hindi ko naman talaga alam na pagod siya. At ano namang paki ko?
"Balasubas ka talaga."
"Mana ako sa 'yo eh. Mamaw kita 'di ba? Eh balasubas ka, kaya balasubas din ako. Balasubas tayong dalawa kasi mag-Mamaw tayo."
Narinig ko ang tawa niya. Kahit kailan napakapangit niya talaga. "Bakit gising ka na? Ang aga pa ah."
"Si Umbag kasi Mamaw eh, niwakey-wakey ako."
"Dapat sinapak mo."
"Sasapakin ko nga sana, tinamad lang ako."
"Eh di mamaya kapag sinipag ka na."
"Oo nga, mamaya nga." Natahimik kami bago sabay na natawa. Puro katarantaduhan ang nasa isip naming dalawa. Ang takbo ng utak namin ay iisa, na animoy pinagbigkis gamit ang makina.
Gaya-gaya kasi ako...
"Bakit ka tumawag?"
"Mamaw, naalala mo ba 'yung tatlong van na nipatay mo?"
"Ayusin mo ang boses mo kung seryoso ang pag-uusapan Nguso."
"Oki doki," tumikhim muna ako at hinantay na bumalik sa normal ang takbo ng isip ko. "Ganito kasi 'yon..."
"Hmm?"
"Kanina nakita ko 'yung isa sa mga lalaki na nandoon sa tatlong van na pinatay mo."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21