🏰ALEX🏰
Hindi makapalag sa akin ang pokpok dahil kahit saan magpunta si Eric sinusundan ko siya. Akala siguro ng malanding 'yan magpapatalo ako sa kaniya. Kung malandi siya, mas malandi ako, dahil ako ang bida rito. Manang-mana kaya ako sa pinagmanahan ko sabi ni Mamaw. Tignan niyo 'yon, makunat na ang P, pero nagninilandi pa. Sobrang landi kaya namin ng Mamaw ko.
Tanong niya pa sa Papa ko...
'Tsaka kay Eric!
"Dito ka na," inihatid ko na si Eric sa kuwarto niya. Maliligo na raw kasi siya. "'Wag kang magbubukas ng pinto hangga't hindi ko sinasabi. Naiintindihan mo?" Ginawa kong nakakatacute ng husto ang pagkapangit-pangit kong voice.
"Oo na," aniya.
"Nakikita mo 'to?" Pinakita ko sa kaniya ang karton. "Kapag ito naalis sa pinto mo yari ka sa akin."
"Copy," aniya. Pinakita niya pa sa akin ang tape na hindi ko alam kung saan niya gagamitin. "Ligo na ako ah?" Paalam niya bago sinara ang pinto. Siniksik ko na ang karton sa ilalim ng pintuan ng kuwarto niya.
"You're possessive pala ah?"
Nahinto ako dahil nakita ko ang anino ng pokpok. Anino pa lang pang malandi na. "Wala kang paki."
"I'm sure hindi ka nakatulog dahil sa takot na baka maagaw ko si Eric. You're insecure. Alam mo kasing kayang-kaya ko siyang agawin sa 'yo. You know, I'm irresistable." Nilandian niya pa ang tono kaya napangisi ako. Kapag ganitong nilalabanan ako ng one b' one talagang pumapalag ako eh at walang inuurungan. Mas masarap kasing makipagbangayan ng mag-isa lang, kapag natalo mo sila solo mo ang papuri at paghanga.
Tumayo ako at hinarap siya. "Irresistable lang?" Sinimulan ko ng maliitin ang pokpok na 'to. Hindi naman kasi siya kagalang-galang. Hindi niya deserve maski isang porsiyente ng respeto ko. "Ako kasi irreplaceable. Anong panama mo?"
Ngumiti siya bago pinagdikit ang kuko niyang mahahaba at mapapangit. "You're a b*tch, inside. Ang plastic mo."
Tumango-tango ako. "Ano pa? Nakukulangan pa ako."
"'Yung kulo mo nasa loob."
"Gusto mo ilabas ko?" Nanunubok kong tanong. Nagsimula ng dumilim ang paningin ko na parang ulti ni Helcurt. "Hindi ako plastic, kasi kung ano ako pinapakita ko sa tao."
"Ah yeah, sinungaling, that's the right term."
"Alam mo naman pala eh, pinahaba mo pa." Nginitian ko siya kaya mangiyak-ngiyak na sa inis sa akin. Magaling talaga ako mang-asar, hindi ko lang alam kung kanino ko namana. "Ano pa? Hindi pa ako nasasaktan. Kulang pa, kulang na kulang pa."
Kumunot ang noo niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "You know what, wala na sana akong balak guluhin si Eric, pero kapag naaalala ko kung gaano ka katapang nae-excite ako bigla."
"Ako rin, nae-excite din ako." Gusto ko na siyang sabunutan pero tinatamad kasi ako kaya baka bukas na lang.
"Alam mo, lahat ng lalaki sa mundo pare-pareho. Lahat 'yan, walang loyal dito."
"Alam mo ba kung bakit nawawalan ng loyal na lalaki?" Tinaasan ko siya ng kilay at humakbang palapit. "Kasi may malalanding gaya mo na pilit pinagsisiksikan ang sarili." Nginitian ko na naman siya na parang wala akong sinabing mali. "'Wag kang maproud na lahat ng lalaki naikakama mo, kasi in the end sinong kawawa? Eh di ikaw," dinunggol ko ang dibdib niya kaya napaatras siya. "Gets mo? Sinong laspag? Sinong lamog? Sinong maluwag? Eh di ikaw na put*ngina ka."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficção GeralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21