🏰GLYDEL🏰
Pakiramdam ko nanghina ang buong katawan ko dahil sa ginawa ni Nguso. Talaga namang pagdating sa pananakit ay number one sa listahan ang lahi niya. Sa pagkakataong ito hindi ko alam kung may natitira pa ba akong pagmamahal para sa isip batang 'to. Sobrang shaket dahil kinurot niya ang d*de ko!
Queenama...
"Sige pa," sabi ni Ate kaya sumunod nga ang g*ga. Pinisil pa niya kaya nagluha na ang mga mata ko. "Ang bilis talaga." Tumawa ang luka.
"Ang shaket," lumayo na ako sa pasaway na 'to dahil baka sumabog na ang melons ko. Mahirap makahanap ng kasize ko no!
"Mamaw isa pa," hinampas ko ang kamay niya dahil nagbabadya na naman siya.
"Tumigil ka!" Pinandilatan ko siya ng mata kaya umiyak kaagad. "Ang shaket put*ngina ka." Sapo-sapo ko ang dalawang bilog sa harap ko. Akala ko katapusan ko na.
Muntik na ako do'n ah...
"Bakit?" Tanong ni ReiRei. Kasama na niya ang bunso ni Ate at bunso ni Erning.
"Ilayo mo sa akin ang batang 'yan at baka masapok ko 'yan." Lalong umiyak ang Nguso ko dahil alam niyang galit talaga ako.
"Mamaw sorry," sabi niya habang kinukusot ang mata. Hinihila siya ni Reiven palayo sa akin pero nagpupumilit ang sutil na batang 'to. "Sorry na Mamaw, hindi na mauulit."
"Hindi na talaga!" Bumalik na ako sa upuan ko para maupo. Nabadtrip pa ako lalo dahil ang Ate kong barungas tawa pa ng tawa. "Hindi ko na ibibigay sa 'yo ang bag ko."
"'To naman oh," ngumiti at nagpaawa ang pangit kong kapatid. Lumipat pa siya sa tabi ko. "Alex magsorry ka na."
"Nag-sorry na ako kaso ayaw akong i-forgive ni Mamaw." Nginusuan niya ako kaya naging mamon na naman ang puso kong mas matigas pa sa mukha niyo. "Mamaw sorry na please." Ginamitan niya na naman ako ng mga pagpapacute niya, kaya para na naman akong yelo na inilagay sa initan at dahan-dahang tinutunaw.
"No," pagmamatigas ko. Tumawa pa ang Ate ko dahil nag-english ako. Ewan ko ba diyan, may sa abnormal din ang isang 'yan. Sa bagay, kanino ba naman kami magmamana? Eh di kay Papa!
Joke lang Pa...
Peace tayo Pa...
"Queen G makipagbati ka na kasi." Pangungulit ni Eugene.
Inis kong kinuha ang menu at umorder na. Hinayaan ko na silang mamili ng kakainin nila. Ang anak ko iyak ng iyak dahil ang gusto niya ako pa mamili ng kakainin niya.
"Hindi ako mag-eeat hangga't hindi ako finoforgive ni Mamaw," pagmamatigas ng batang nagmula sa matitigas ang mukha kaya tumigas din ang ngala-ngalaan. Sa sobrang kapal ng mukha niya, sa ibabaw pa rin siya ng lamesa naupo kahit bawal. Napangiwi ako ng makita kong may hawak siyang kutsara't tinidor.
Wala pa siyang balak kumain ng lagay na 'yan ah...
"Eh di 'wag kang kumain. Mas mabuti nga 'yon eh, tipid." Pagpaparinig ko sabay irap sa kaniya kaya nagngarawngaw.
"Mamaw sorry na raw," ani Reiven. Pati ang panganay ko nangangampi na kaya tuluyan na akong lumalambot. Pinagtutulungan na kasi nila ako, lalo siguro kung nandito ang Bibi ko. Baka naglaloving-loving na kami ni Nguso ngayon.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21