Chapter 384: INIS

97 15 0
                                    

🏰ERIC🏰

Grabe ang kaba ko nang itabi ko ang sasakyan sa gilid. Natanaw ko si Buknoy na umiiyak at kinakausap ng mga kapitbahay namin. Ang iba sa kanila ay doon sa apartment ni MU nakatira. Hindi ko pinatay ang makina dahil natutulog si Ganda. Lumabas ako ng sasakyan at nagmamadaling lumapit sa kanila.

"Bakit? Bakit? Anong nangyari?" Aligaga kong tanong. Nag-uumapaw ang kaba ko dahil sa naabutan ko. Pati si Joseph umiiyak na rin habang nakayakap ng mahigpit kay Buknoy na nakayakap naman kay Tupe. "Bakit nasa labas kayong lahat?" Natataranta na ako dahil ako ang dapat nagbabantay sa kanila. Hindi ko sila dapat hinayaan na walang kasama rito.

"Kuya kasi..." Hindi maituloy ni Ethan ang sasabihin niya.

"Nasaan ba si Eugene?" Tanong ng ginang na nangungupahan din kay MU. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"Wala po, pero ako po ang nagbabantay sa kanila," sagot ko. "Ano po bang nangyari?" Siya na lang ang tinanong ko dahil may alam naman yata siya.

"Ay nako, itong si Buknoy muntik makuha ng puting van. Mabuti na lang at nahawakan namin kaagad."

"Ngayon-ngayon lang po?"

"Oo," sagot niya. "Pero 'wag kayong mag-alala, itinawag na namin sa barangay. Wala kasing plate number kaya hindi namin alam kung sino."

"Ayos lang po," nginitian ko siya bago nilapitan ang mga anak ni MU. "'Wag ng umiyak," pang-aalo ko kay Buknoy. "Tahan na, nandito na si Kuya." Kapansin-pansin ang damit niyang lumuwag ang manggas. Doon siguro siya hinila. Naawa ako kasi hanggang ngayon nanginginig pa rin siya sa takot. "Bakit kasi kayo nasa labas?" Si Tupe ang napagbuntunan ko. Siya kasi ang panganay. Bukod pa ro'n, alam naman niyang ayaw na ayaw ni MU na naabutan sila sa labas lalo na 'pag gabi na. "Tara pasok na sa loob ako na muna ang bahala." Humupa na ang mga tao at iilan na lang ang natira.

"Ayaw namin Kuya," tanggi ni Ethan.

Kumunot ang noo ko sa sobrang pagtataka. "Bakit? Gabi na oh, mahamog na." Nagtinginan sila ni Tupe. Kitang-kita ko ang senyasan nilang dalawa. Nagtuturuan kung sino sa kanilang dalawa ang kakanta. "Bakit? Anong meron?"

"Kuya doon tayo," marahang tinulak ni Tupe si Buknoy at inilapit kay Ethan. Tumigil na siya sa pag-iyak pero umuuga pa ang balikat. Sumunod ako kay Tupe pero tinignan ko muna sila Ethan at si Ganda na mukhang natutulog pa rin naman.

"Bakit? Tupe 'di ba nagmessage ako?"

"Oo Kuya nabasa ko naman po, kaya lang wala akong pangreply."

"Bakit nasa labas kayo? Gabing-gabi na, kung may kailangan kayo sana ikaw na lang ang lumabas." Malinaw na nasa labas si Buknoy dahil hindi siya mapagdidiskitahan kung naroon siya sa loob ng bahay.

"Ganito kasi 'yan Kuya," bumuntong hininga siya at nagpamewang. Nakasuot pa siya ng apron na madalas kong gamitin. Nakahubad nga rin eh. "Hindi naman sana kami lalabas kung hindi dahil sa dalawang malandi sa loob."

Mukhang alam ko na kung sino ang pinag-ugatan, pero gusto kong malaman kung paano nangyari. "Sina Sean?"

"Sino pa ba?"

"Pinalayas kayo?" Bahagyang tumaas ang boses ko. Wala akong ibang naiisip na dahilan kung bakit sila nasa labas ngayon. "Inaway kayo?"

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon