🏰GUIONE🏰
Sobrang nahihiya ako sa ginawa ko kanina. Nabigla lang naman talaga ako, at hindi ko na nacontrol ang damdamin ko. Pero wala akong pinagsisisihan sa nagawa ko, dahil para rin naman 'yon kay Joice. 'Yon nga lang, nagkaproblema na naman kami nila Luke dahil do'n.
Uminit talaga ang ulo ko, dahil pinagtatanggol pa nila 'yung Danica na 'yon. Sila na nga ang mali, sila pa 'yung galit. Sila-silang magkakaibigan hawa-hawa na ng pag-uugali. Feeling ko, si Danica mismo 'yung nagiging bad influence sa mga kaibigan niya. Parang hindi naman kasi sila gano'n dati. I mean, si Danica gano'n na siya mula nang pumasok siya sa KU, so possible talaga na nahawa lang ang mga kaibigan niya.
Alam ko naman na may kasalanan din sina Irene kanina, pero sana pinagpasensiyahan na lang nila. Alam ko rin namang hindi madali ang magtimpi pero 'yon ang best way para maiwasan ang gulo. Tignan niyo ang nangyari noong pinatulan nila. Masahol pa sa mga palengkera na nagbabangayan dahil sa paninda at customer.
Mabuti na lang din, hindi gano'ng klaseng babae si Rejoice. Hindi siya 'yung tipo ng babae na mas uunahin ang init ng ulo. Hindi naman siya nagalit, nagreklamo lang. Normal lang naman 'yon lalo na't nagulat din siya.
Mas pinoproblema ko ngayon ang mga brader ko. Somehow nagiguilty rin naman ako, pero lagi na lang bang gano'n? Ako na lang lagi ang uunawa sa kanila? Hindi naman sa nangunguwenta pero sana naisip nilang ayoko lang din namang mapahiya si Joice.
Nagpapalakas nga ako eh...
Kaya heto na naman ako naghahantay sa kaniya sa coffee shop sa labas ng Camp Bridge. Uwian naman na kaya ayos lang. Bukas ko na lang iisipin kung anong gagawin ko sa susunod. Sigurado naman akong hindi magsosorry sa akin si Luke, kaya baka ako na naman ang unang lumapit.
Ako naman lagi...
Napangiti ako nang makita ko na si Joice na naglalakad na papasok. Mabilis kong inayos ang buhok ko, pero ginulo ko rin ng kaunti para hindi naman halatang panay ang papogi ko lately. Kinawayan ko siya nang magkatinginan kami. "Hi," sabi ko nang makalapit siya. Amoy na amoy ko na ang pabango niyang mas bumabango kapag humahalo sa pabango ko. Tumayo ako at pinaghila pa ng upuan.
"Hello, kanina ka pa?"
"Hindi kadarating ko lang," nagsinungaling ako. Kanina pa talaga ako nandito. Naexcite kasi akong makita siya. Napatingin kaagad ako sa mata niyang nagmumugto. "May problema ba?"
"Wala," pilit siyang ngumiti kaya kahit sinabi niyang wala alam kong meron. "Sorry ulit kanina ha? Napaaway ka tuloy."
"Wala 'yon," inabot ko na sa kaniya ang Frappe na gusto niya. Umorder na rin ako ng ibang makakain, 'yung mababalance ang tamis at alat para 'di maumay. "Kain ka na."
"Mamaya na, pakisabi na lang kay Luke sorry ha?"
"Bakit ka nagsosorry?" Sobrang bait niya talaga, siya na nga ang nabiktima siya pa ang humihingi ng tawad.
"Nakakahiya kasi, nag-away kayo dahil sa amin."
"Gano'n lang 'yon, mabait 'yon." Pinilit kong ngumiti para hindi siya matakot. Hindi naman talaga gano'n 'yon si Luke, nagbabago lang ugali niya kapag nandiyan na si Danica. "In love din kasi," natawa pa ako.
"Kaanu-ano niya nga pala 'yung babaeng 'yon?" Napakurap siya nang hindi ako makasagot. "Sorry ah? Nagiging usisera na ba ako?"
"Hindi, wala namang masamang magtanong."
"Nagtataka lang kasi ako, last time niyakap niya lang si Luke binigyan na siya ng pera, tapos kanina pinagtanggol pa siya."
Napatikhim ako habang nangangapa ng isasagot. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikuwento sa kaniya ang tungkol sa babaeng 'yon. Baka kasi sabihin ni Luke pinagpipiyestahan namin ang palpak niyang lovelife. "May crush sa kaniya si Luke." Tama na muna siguro 'yan sa ngayon. Alam ko namang totoo ang sinabi ko. Kilalang-kilala ko na 'yang brader ko.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Aktuelle LiteraturContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21