🏰KENDRICK🏰
Napanood ko na ang performance ng CBeU, CBU at EVU. At kung ako ang tatanungin niyo, walang binatbat 'yan sa gagawin naming pasabog mamaya ng mga berdeng may birdie. Kakabugin ng beauty namin ang mga 'yern.
Anong sinabi niyan sa Alex dance craze?
Waley!
Sasamahan pa ng malupit naming Kendrick's wave. Wala na, uwian na dahil may nanalo na. At kami 'yon, mga taga-Kingstone.
Kasalukuyang nagpeperform ang mga Vipers ngayon. Pinatayo na kami para magprepare sa may gilid. Mas mabilis kasi kapag gano'n, kaysa tatayo kung kailan magpeperform.
Ang hassle non mga bhie...
Tumayo at sinabihan na ang mga kasama ko na tumayo. Natanaw ko sina Darylle at Alex na natutulog. Mukhang hindi sila magising-gising ng mga kasamahan nila.
"Uy te tara," kinalabit ko si Georgina. Nginuso ko 'yung dalawa na nagtotour sa wonderland. Mukhang na-Pagoda Johnson ang mga magagwanda. "Halika at guluhin natin ang pag-gagala ng mga bruha." Tatawa-tawa kaming naglakad paakyat sa taas. Sigurado naman akong sasama 'yan si Georgina dahil nando'n si JC. "Anyare?" Nakatayo na silang lahat maliban dito sa dalawa.
"Gisingin mo nga," sabi ni Loona. Classmate ko sila noong Grade 9 kaya magkakilala kami. Sikat din ako no dahil halos dito na ako sa Haringbato lumaki. Dito ako naging bakla. Sorry girls pero kasalanan talaga ng Haringbato kung bakit lelembot-lembot ako ngayon.
"Makautos naman to," pagtataray ko kunyari. Napansin kong wala si bwaklang Sydney pero nanditey ang bag niya kaya baka nandiyern lang 'yern sa side-side.
Tumayo si Georgina sa tapat ni Darylle. "Ito kaya ko 'tong gisingin." Tinuro niya si Darylle. "Pero ito?" Baling niya kay Alexaundra Cristina De Vera magwanda na talented pa. "Hindi ako sigurado, mahal ko pa pamilya ko." Natawa ang luka.
"Tabi sis," tinulak ko ang bwakla. "Magsigising na kayo!" Sigaw ko pero walang epek mga te. Mukhang enjoy na enjoy nilang dalawa ang field trip sa wonderland. Inalis ko ang jacket ni Darylle, nasasakluban kasi sila non. Natawa kami ng beshiewap ko dahil ang Lola Alex niyo nakanguso pa rin hanggang sa pagtulog.
Kinain ng sistema ng pagnguso?
"'Wag mo munang gisingin," ani Georgina. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya at kinuhaan ng picture ang dalawa.
"Uy te sali naman." Naupo ako sa upuan ni Sydney at nakisleeping beauty, kunwari maganda kahit hindi. Umaasa akong hahalikan ako ni Luke o kahit si Matthew na lang tutal siya naman ang nasa likod ko. Ngumuso rin ako para cute. Narinig ko ang tawanan ng mga Papwa ko sa likod.
"Bakit mo ako pinipicture-an?" Napalayo ako bigla dahil narinig ko ang pambagets na voice ng Lola Alex niyo. Nag-iwas kaming lahat ng tingin at pare-parehong natameme.
"Ano kasi," tumingin sa akin si Georgina. Pinandidilatan ako ng mata.
"Ang cute mo kasi," sabi ko na lang.
"Talaga?" Excited niyang tanong. Nawala ang kaba sa b**bs ko dahil nakangiti siya sa akin.
"Oo," sagot ko.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21