🏰GLYDEL🏰
Nagkakatuwaan na kami rito sa suite. Kumpleto kasi ang mga kamag-pangit ko. Nakapagpalit na ang may birthday at kasalukuyang nakikipagkulitan sa amin. At siyempre, pabida na naman ang anak kong palanguso rin gaya ko. Nakakatuwa lang dahil napasaya namin siya sa simpleng handa na inorder lang nila Reiven dahil rush nga. Ako lang ang nakapaghanda ng regalo. Ang regalong hindi niya makakalimutan.
Pink na b*yag daw sabi ni Nguso...
Ang sabi pa niya kanina, ibili ko raw siya ng ganon pero kulay blue!
Tarantadang bata...
Siyempre hindi naman 'yon ang regalo ko sa kaniya. Pangkalokohan lang naman 'yan dahil luka-luka nga ako ngayon. Napangiti ako ng makita ko ang Bibi kong nagnilandi kanina. Bagay sa kaniya 'yung kuwintas na binigay ko. Gano'n din kina ReiRei at sa mga apo kong nakikipagtagisan ng porma sa mga nandito. Matagal na ang kuwintas ko na 'to, sabay kami ni Danica'ng nagkaroon nito. Ngayon ko na nga lang ulit sinuot dahil naaalala ko ang anak ko kapag nakikita ko 'to. Binilhan ko rin sina Nguso para may remembrance kami. Sana lang 'wag niyang iwala, mahal kasi mga katropa eh. Sakit sa bulsa. Ubos na naman ang datung ni Boa.
Hayaan niyo na...
Deds na deds naman ako sa kanila eh...
"Uy salamat sa inyo," ani Eugene. Nagkakatuwaan lang kami ng kaunti. Iinom sana kami kaso tinamad kaming lahat.
Joke...
Bawal kasi!
Bukas na lang...
"Anong salamat? May bayad 'yan," sabi ko. Tumawa ang bakla, alam niya namang nagBIBIro lang ako. Alam niyo na, palaBIBIro kasi akong tao. "Isang taon kang hindi sasahod."
"Ay grabe siya." Nginusuan ko siya at tinaasan ng kilay. Tumawa siya at naupo sa tabi ko. "Ang cute niyo ni Alex." Napangiti ako dahil parehong-pareho ang suot namin. Magmula sa ulo hanggang paa.
"Cute ko no?" Nginusuan ko siya lalo.
"Oo na, lintek 'yung regalo mo. Aanhin ko naman 'yon?"
"InsPERAsiyon 'yon g*ga."
"Mamaya makita nila Tupe 'yon, mag-isip pa ng hindi maganda."
"Tanggap ka naman nila." Inirapan ko siya. Kunwari pa gusto rin naman ang pink na pink na B na alay ko. Si Michael ang pinabili ko dahil may koleksiyon siya ng gano'n. Sanay na sanay na ang dangal niyang bumili ng gano'n. Alam niyo na, vibrate-vibrate din 'pag may time. "Nasaan nga pala ang mga bata? Bakit hindi mo sinama?"
"Bawal naman ang bata rito."
"Pwede 'yan, walang bawal-bawal sa akin. Ako ang batas dito." Nagde quatro ako at nagkuyakoy. Abalang-abala sila sa pakikipagkulitan sa tatlong pugo at tatlong itlog. Sa pagkakataong ito, 'yung bunso ni Edna ang humahameg dahil parang rapido ang bibig niya. Walang tigil sa kadadakdak.
"Papuntahin ko kaya? Nandoon naman si Eric eh."
"Mabuti pa," maangas ko siyang tinanguan. Mas marami mas masaya. Marami naman ang handa kaya walang problema. Kawawa nga lang ang Bibi ko dahil hindi makakain ng maayos.
"Uy 'yung lechon," narinig kong sabi ni Manolo kay Bradley.
"Bakit ngayon lang? Tapos na tayong kumain eh. Ipaakyat na rito."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21