🏰GLYDEL🏰
Para akong nakipaglaban ng ilang rounds sa Bibi ko sa sobrang pagod. As in, lantang gulay talaga ako matapos kong makipagbakbakan sa mga papeles. At sa sobrang galing ko, hindi pa rin ako tapos dahil madami nga 'di ba?
Kruk-kruk inemer!
"Queen G? Kaya pa?" Tanong ni Eugene na lantang gulay na rin.
"Lanta na ako," nagawa ko pang ngumiti kahit pagod na ako. Ginawa kong unan ang mga natitirang papeles na kailangan pang basahin.
Bibi ko!
Diligan mo ako!
"Tara na," yaya ni Eugene. Nag-OT na kasi kami para matapos namin ang unang batch. "Ihahatid na kita pauwi."
"Hindi na, kaya ko naman no." Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Tinawagan ko rin ang Bibi ko dahil miss na miss ko na siya.
"Bibi ko..."
Napangiti ako kaagad ng marinig ko ang brusko niyang boses. Naalala ko ang malaki niyang katawan na kinatatakutan ng lahat, tapos babanatan lang ako ng 'Bibi ko'. "Namimiss na kita." Sumandal ako sa lamesa kong pangit. Sinenyasan ko si Eugene na mauna na. "Si Nguso?"
"Naghihilamos na siya. Si Edna ang nagbabantay. Umuwi ka na dahil miss na miss ka na namin."
"Okay," sabi ko. Naglakad na ako pababa. "Hindi ako uuwi diyan bukas ha? Sa Mansiyon na ako uuwi."
"Naintindihan ko, umuwi ka na rito at namimiss na kita."
"Ako rin, miss na miss na kitang pangit ka."
"Kailan ba ako magiging gwapo sa paningin mo?"
"Kapag patay ka na Mamba," tumawa ako ng malakas at sinadya kong itapat sa mic ng phone.
"Uwi ka na kaagad ha? Kanina ka pa hinahanap ni Bunso."
"Yes sir," sumaludo ako bago ko siya binabaan. Naglakad na ako palabas. Nagtaka lang ako kung bakit para biglang nanahimik sa paligid. Alam kong nag-OT ako pero may mga tao pa rito kanina. Puro salamin ang opisina ko kaya kita ko ang tao sa labas. Sinilip ko rin ang p'westo ni Eugene sa labas ng office ko, dahil ang lahat ng papasok sa office ko ay dadaan sa kaniya.
Dumiretso na ako pababa at inihanda ang baril ko. Mabuti ng sigurado dahil baka itumba ako rito. Tumunog ang elevator at bumukas kaya nagmasid muna ako bago naglakad.
Walang tao?
Isa-isang namatay ang ilaw sa dinadaanan ko. "Salamat sa dilim," bulong ko. Dumiretso ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa lounge. Bumukas ang ilaw kaya tinutok ko kaagad ang baril.
"Welcome back GDV!" Sigaw ng mga empleyado ko. Nagtilian sila ng makitang nakatutok sa kanila ang baril ko. Ang lalaking may hawak ng party poppers ay nanakbo.
Maski ako nagulat kaya naitago ko sa likod ko ang baril kong pangmalakasan. "Hello," kinawayan ko sila at nginitian. Sapo-sapo ng iba ang dibdib nila sa gulat. Pati si Eugene nanlalaki ang mata.
"Yehey!" Binuksan ni Michael ang wine.
"Yehey!" Sigaw nila Ziggy. Siya na ang gumamit ng poppers. Pilit na nagpalakpakan at naghiyawan ang iba. "Welcome back GDV!" Sigaw nilang muli.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21