🏰LUKE🏰
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ko. Hindi ako nag-alarm ng maaga, dahil hindi naman ako papasok ng maaga ngayon. Wala naman kaming laro ngayon, pero may meeting kami mamaya para sa Quarter Finals. Base sa ranking, mukhang Foregate University na naman ang makakatapat namin. Una sa bracket namin ang Camp Bell, Foregate, kami, SADPU at WVU ang nalaglag sa amin.
Kahit papaano nakahinga ako ng maluwag dahil nakalusot pa kami. Akala ko talaga kami ang unang masisilat, buti na lang hindi. Sa ngayon, wala na sa isip ko ang manalo, kasi alam ko namang hindi namin makukuha ang kampeonato sa taong 'to. Ang mahalaga, hindi kami ang unang naalis. At least kahit papaano, hindi na nakakahiya para sa defending champion na gaya namin.
Napabalikwas ako, dahil naalala ko na pinababati nga pala nung Calvin Cruz si Daddy. Nakalimutan ko talaga kagabi sa sobrang pagod. Hindi ko na ininda ang pagkatalo kahit na naiirita talaga ako sa result. Wala kaming magagawa at saka kahit matalo namin sila gano'n din, Foregate pa rin ang makakalaban namin dahil nga sa standing.
Ewan ko ba, pero naging confident ako nang malaman kong kinakapatid ko pala 'yon. Feeling ko kasi, ipagtatanggol naman ako non. Kagaya kahapon, lahat ng kateam ko napagbuhatan nila ng kamay at paa sa patagong paraan. Sa akin lang sila hindi nakalapit, dahil nga siguro doon kay Cruz.
Hindi ko naman inakala na marerecognize nila ako. Sanay naman kasi akong hindi napapansin ng iba. Hindi naman kasi ako 'yung tipo ng tao na saksakan ng hambog. Minsan mayabang din but not all the times. Hindi ako 'yung gagamitin ang apelyido para makaangat sa iba, like 'uy Lolo ko si ganito at Daddy ko si ganiyan'. Tao pa rin ako, hindi ako Diyos na kailangang sambahin at batiin bawat minuto.
Bumaba ako kahit na kababangon ko pa lang. May naaamoy kasi akong masarap. Napangiti ako dahil napapadalas na ang pagluluto ni Mommy. Noong bata ako, lagi niya akong inaalagaan hanggang sa dumating si Yaya Eve at nagkaisip na rin ako. Hindi naman sa napabayaan, pero bumalik na sa business namin ang focus ni Mommy. Ako naman, nawili sa mga kaibigan kaya lumayo ng bahagya ang loob ko sa kaniya.
Alam niyo na...
Noong nagkagirlfriend...
"I know you are there." Naamoy yata ni Mommy na nandiyan ako sa gilid at nagtatago. Nagtampo yata 'to noong nagreklamo ako ng halik-halikan niya ako. Ang laki-laki ko na kasi para roon.
Lumabas na ako kasi huli na. Doon ko lang napansin si Daddy na nagbabasa pala ng libro about laws of course. "Good morning," bati.
"Morning," bati niya. "Drink some hot coffee or chocolate drink." Busy'ng-busy si Daddy sa pagbabasa kaya hindi man lang ako nilingon. Kung hindi lang kami nagkabiruan kagabi, iisipin kong gagalit na naman siya sa akin.
"Ayaw ko," nagkokombulsiyon ang tiyan ko kapag 'yon ang una kong nilalaman sa tiyan ko. I'm still sleepy, pero ayaw ko ng matulog. "Ah Daddy may kilala kang Calvin Cruz?" Tumingin kaagad siya sa akin, kaya mukhang kilala niya nga.
"Yeah, why?"
"Regards daw, sabi niya 'tsaka kamusta rin daw kay Lolo."
"Nakilala mo? Kinakapatid mo 'yon."
"Sabi niya nga..."
"That's nice, ang laki na siguro ng batang 'yon. Leap year ang birthday non eh."
"Oo nga, kaya nagkaroon ng kaunting problema kahapon bago nagstart ang game, pero naayos din naman kaagad."
"Nakalaban niyo?"
"Yup, they win." Inunahan ko na bago pa nila ako tanungin. Hindi naman sa nahihiya pero mas mabuti nang sabihin sa kanila.
"Hon," tawag ni Daddy kay Mommy.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficção GeralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21