🏰DARYLLE🏰
Nandito pa rin kami sa WOA dahil hindi pa tapos ang program. Ang Opening tapos na, pero marami kasing events ngayon, like Mr. and Ms. Sports Fest, Dance at Cheerdance Competition. Sabi ni Ate Yngrid sa akin maglalunch daw muna tapos 'tsaka babalik dito sa WOA. Marami naman akong nakitang kainan sa labas kanina kaya wala namang problema.
Ang mga taga-Western Valley na ang nagpeperform sa baba at sa palagay ko patapos naman na sila. Sobrang saya talaga namin kanina dahil nagtatawanan kami habang nagsasasayaw. Si Alex kasi pasimuno, kung anu-ano na naman sinasabi niya kaya tawa na naman kami ng tawa. Buti nga nakisama siya kanina dahil kung hindi baka nag-ala six years old na naman siya tapos baka manakbo sa buong stage at yakapin 'yung mascot.
Buti na lang hindi...
Ang ibang mga taga-Kingstone nagkakainan na rito sa loob. Nakita ko ng nagpeprepare ang mga Muse and Escort. Feeling ko minamadali na nila dahil mag-eeleven na. Saglit lang naman daw 'to rarampa lang sila at magpapakilala tapos okay na dahil kanina pa sila jinajudge magmula sa parade hanggang sa entrance.
Kaya sila ang nasa unahan...
Ngayon, inaannounce na ang criteria sa Mr. and Ms. dahil tapos ng magperform ang mga Bulldogs. Ang sabi ng emcee, 50% daw sa suot na damit or costume, 20% naman sa way ng pagpapakilala at pagrampa, 20% ay audience impact at 10% sa overall performance.
Kaya naman naghahanda na ang ilang member ng Squad para pangunahan ang pagchicheer sa pambato namin. Lumakas na ang sigawan dahil nagsisimula ng dumada ang emcee.
Narinig kong nagriring ang cellphone ko. Hindi ko alam kung sa akin ba dahil ang dami kong kapareho ng phone dito. Pero feeling ko naman sa akin 'yon dahil parang sa bag ko nanggagaling 'yung tunog.
Si Mama...
"Ma?" Tumagilid ako dahil masiyado ng maingay. Tinakpan ko pa ang isa kong tenga.
"Darylle?"
"Ma maingay dito," sabi ko kaagad. Naririnig ko naman ang sinasabi niya pero baka siya nahihirapan akong intindihin dahil maingay nga. "Naririnig mo ako?" Tinapat ko ang bibig ko sa mic.
"Oo," sagot ni Mama. "Nasaan na kayo?"
"Nandito pa rin po sa WOA, Ma."
"Ah, sumama ka kay Reiven ha? Papunta ako ngayon kay Glydel ang sabi niya sabay-sabay daw tayong maglalunch."
"Oo nga raw po, sabi rin ni Alex." Nilingon ko si Alex na nakatingin na rin pala sa akin.
"Sino 'yan?" Tanong ni Alex. Sumagot ako ng 'Mama' pero walang boses. "Uy!" Inagaw niya sa akin ang cellphone ko. "Hi Tita Gloria'ng pagkapangit-pangit." Nagtransform na naman siya sa pagiging pasaway ngayon. "Namimiss mo na ako no? Kaya ka tumawag kay Darylle no? Ikaw ha? Deds na deds ka talaga sa akin." Nanggigigil na naman siya at 'yung bag niya ang napagdiskitahan. Mabuti na lang 'yon ang nahawakan niya at hindi ako. Napanganga ako ng hawakan niya ang braso ko at doon ako pinanggigilan.
T*ngina kasasabi ko lang eh...
"Alex," saway ko dahil para na akong baboy na ipinapasok sa gilingan. "Ang sakit," sa wakas ay binitiwan na niya ako. Ngiting-ngiti ang bruha habang kinakausap ang Mama ko. Hindi ko marinig ang pinag-usapan nila dahil masiyadong maingay rito.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21