Chapter 393: ALAM KO

109 14 0
                                    

🏰GLYDEL🏰

Nagbibihis na ako dahil ngayon ang araw na napag-usapan naming sunduin ang Violet na 'yon. Pinag-isipan ko 'to ng maigi at tama ang desisyon ni Ate. Dapat ko na ngang isauli ang pangit na batang 'yon bago pa lumala ang lahat. Baka mamaya eh mapagbintangan pa akong kidnapper. Masiyado akong pangit para maging kidnapper lang.

Sexy-sexy ko eh!

Bumaba na ako dahil sabay kami ni Eugene na sisibat. Naabutan ko na naman siyang nakatitig sa mukha ng anak kong kay pangit-pangit namang talaga. "Ano? Tumitigas na ba?" Balik tayo sa astig nating pormahan, mahirap na baka tayo ay mapalaban.

"G*ga ka," inirapan niya ako. "Ang ganda-ganda ng anak mo."

"Pangit 'yan," inis kong sabi. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis-alis ang malaking mukha ni DanDan diyan, eh ang pangit naman.

"Salbahe ka," inirapan na naman ako. Parang ang sarap mantalksh*t ngayon ah? 'Wag ko kayang sahuran?

"Tara na Eugene, may dadaanan pa ako." Isinulot ko na ang cellphone at baril ko sa bulsa ko. Wala na munang bag-bag, baka maghirap na ako. Mahal pa naman ang eco bag.

Limang piso...

Lumabas na kami ng bahay ko. Sila na bahalang maglinis diyan at tinatamad ako lagi. Masiyado akong busy para maglaan pa ng oras sa kalinisan, na kinalaunan ay madudumihan din naman.

"Glydel hindi mo man lang ba dadalawin si David?" Tanong niya habang pinapainit ang makina ng sasakyan. Lagay-lagay din ng tubig 'pag may time, para 'di matuyot gaya ni Ate.

"Hindi, pagod ako." Malamang kakastahan lang ako non kaya hindi na muna ako magpaparamdam. At isa pa, BIBIsy ako ngayon kaya wala akong time para sa mga pagpapaBIBI niya. Masiyado na kasing obvious na deds na deds ako sa kaniya. Pero nagpapasalamat na rin ako at hindi niya ako niyayabangan. "Una na ako Eugene." Sinaluduhan ko siya bago ako sumakay sa sasakyan kong bago. Iinggitin ko si Nguso na mukhang alam na ang sikreto namin ni Erning. Mabuti na rin siguro 'yon para kahit papaano ay alam niya kung sino ang nabiktima niya. Para kapag inaway siya ni Erning pwede na niyang saksakin ulit.

Ayos ba?

Habang nasa BIBIyahe ay tumawag ang Bibi ko. Hindi ko sana sasagutin kasi nga nagpapakipot ako ngayon, kaya lang napindot ko bigla eh. Hindi ko sinasadya. Napindot ko lang talaga.

Promise...

Mamatay man si Umbag!

"Bibi ko," hindi ko na napigil at nagpaBIBI na naman ako. Wala na, deds na deds na talaga ako. Ganitong-ganito kasi ako noon.

"Hindi mo ba ako pupuntahan?"

"Hindi," diretsahang sagot ko. Wala naman talaga sa plano ko ang puntahan siya ngayon, pero kung didiligan niya ako baka pwede na.

"Bumuka ang tahi ko."

"Ay buti naman," natawa ako ng malakas. Kung makapagsalita kasi akala mo nanganak at biniyakan sa tiyan eh.

"Hindi mo man lang ba ako kakamustahin?"

"Nakakapagsalita ka naman so okay ka naman siguro."

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon