Chapter 256: GRAY WOLVES VS. RED LIONS 1 (SFD2)

110 12 8
                                    

🏰SYDNEY🏰

Medyo nalungkot ako dahil talo ang team ng Bebe Boy ko. Ang masakit pa nito, natambakan pa sila. Kita naman sa video na malalaki ang nakalaban nila. Sabi ni Coach Reiven, baka raw masiyadong nagpakakampante ang mga bata ni Coach Limer. Sila kasi ang champion last year kaya baka akala nila gano'n pa rin this year.

Nando'n ang panghihinayang, pero siyempre wala naman kaming magagawa kahit magwala o magrally pa kami sa labas ng Gym. Nangyari na ang hindi dapat mangyari, kaya labern na lang.

Ang kaninang panghihinayang ay natabunan na ng kaba, dahil may laro kami ngayong umaga. Kanina pa kami nagpapakondisyon dahil halata sa mukha ng mga kateam namin na kinakabahan sila. Panay nga ang kain namin habang naghahantay ng balita sa game ng mga lalaki. Para hindi kami gutom at may energy kapag naglaro na. Panay din ang patawa ni Coach Reiven kaya nawawala-wala ang kaba namin. Pero tumindi talaga 'yon ng makaapak kami sa Gym.

Tapos na kaming magscreening at nagwawarm up na rin. Mabuti na lang tumatawa-tawa na 'tong si Alex na kanina ay nakabusangot. Hindi maipinta ang mukha niya nang hindi masunod ang gusto niyang mangyari. Ang gusto niya kasi, nakanguso siya sa pictorial. Ang kaso hindi nga pwede 'yung gano'n. Umiyak pa nga 'yan eh, pero huminto rin naman.

Galit na galit din siya kay Darylle kanina dahil sa ipit. Panay ang reklamo niya dahil sa sobrang higpit. Ang sabi pa niya, sinasadya raw 'yon ni Darylle para makaganti sa kaniya, dahil inasar-asar niya kanina.

"Uy si Kia ba 'yon?" Tanong ko kay Darylle. Saktong tumalikod naman 'yung babaeng tinuro ko kaya nakita namin ang apelyido. Nasa kabilang team siya, kalaban namin. Teammate namin 'yan noong JHS Student pa lang kami.

"Oo yata," ani Darylle.

Lumingon naman si Kia sa amin at nagulat ng makita kami. Nagtitili ako bago ko nilapitan. Nanakbo rin naman siya palapit sa amin. Nagyakapan kami sa gitna. I-Dawn Zulueta mo ako, 'yan ang peg namin.

"Hala wala na GG na," sabi niya kaagad. "Kamusta?"

"Ito maganda pa rin," pag-iinarte ko. Lumapit din sa amin si Darylle.

"Hi Cap," ani Kia kay Darylle. "Wala na GG na talaga kami."

"Hindi naman," sabi ni Darylle habang dinidribble ang bola. Nagtawanan kami, dahil kahit papaano nakakamiss din ang dati naming kateam. "Position mo?"

"Same pa rin," ani Kia. Tinawag na siya ng kasamahan nila. "Hala, kamusta sa inyo. Chika-chika tayo, sila Helen nasa SADPU."

"Alam ko," ani Darylle. "Nakita ko sila kahapon." Pinanood lang namin si Kia na sumama sa mga kateam niya. "Takot ka ro'n?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ah," tanggi ko. Hindi naman kasi 'yon dapat katakutan. Bangko lang namin 'yon dati eh. Pero 'wag tayong magsalita ng tapos, malay niyo gumaling na siya.

"Akala ko natakot ka eh," nginisihan niya ako bago nanakbo habang nagdidribol ng bola. Diniretso niya 'yon hanggang sa loob.

"Sino 'yon?" Tanong sa akin ni Alex. "Tindera ng basahan?"

"Grabe siya," nasapo ko ang taas ng dibdib ko.

"Ah alam ko na, siya 'yung basahan."

"Grabe talaga," sinabayan ko ang tawa niya. Nahinto ako kasi nakapamewang niyang pinagmamasdan ang mga manlalaro. Nakita ko pang gumagalaw ang paa niya na tila tinatambol ang sahig.

"Mga pabebe," ngumiwi siya bago bumalik sa court namin. Napansin kong nakaliptint at nakamake up pa ang ilan sa kanila. Bumalik na lang din ako dahil ako lang ang nangangapitbahay. Halatang-halata na tsismakers ako rito.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon