🏰ALEX🏰
PaBIBI akong naglakad papunta sa lalaking namimigay ng pizza. Sa sobrang galing ko na naman kasi, nag-top one na naman ako. At sa sobrang yabang ko, kahit busog na ako, kukunin ko pa rin ang premyo ko.
Walang makakapigil sa akin...
Isa na namang malaking achievement 'to para sa akin, dahil kumpleto na naman ang kayabangan ko. At ang pinakamaganda sa lahat, sobra-sobra pa ito ngayon. Nag-uumapaw na animoy isang maliit na baso na pilit sinasalinan ng tubig na galing sa drum. Hindi na ako makapaghintay na mahawakan ang tatlong box na makakapagpabago sa aking buhay.
Pizza, here I come!
Kinalabit ko ang lalaking namimigay ng mga papremyo sa pinakamagagaling na player na gaya ko. "Hello," pagpapacute ko. Hinawakan ko ang magkabila kong cheeks at saka nag-beautiful eyes para gumanda naman ako kahit papaano. Naaawa na kasi ako sa face ko. Sobrang pangit kong baby.
"Oh? Ikaw na naman?" Kunwari ay nagulat pa siya kahit na tinawag niya naman na ako kanina, at pinangalandakan na ang nagmamayabang kong puntos.
"Oh? Ako na naman?" Nagkunwari rin akong nagulat para sakyan ang trip niya. Siyempre kasama 'to sa bago kong technique na itago natin sa pangalang... ARTEficial!
Ang galing ko hindi ba?
Dance! Dance! Dance hanggang madeds!
"Ang galing natin ah?" Inihahanda na niya ang premyo ko. Napanguso ako dahil iba ang ibibigay niya, hindi 'yon pizza. "Why?"
"Pizza..." Kinunot ko ang noo ko. Nakakainis, nagpagod ako tapos hindi naman pala pizza ang ibibigay niya. "I want pizza, hmmp." Inis akong nag-iwas ng tingin at tinindihan ang pagnguso. Pasimple ko siyang nilingon kaya nakita kong nag-aalangan na siya. "Please, Mr. Pizza Guy." Pinagdikit ko ang mga palad ko, gagamitan ko na siya ng technique ko na pangmayabangan.
"Wala talaga kaming pizza, Darling. Doughnuts only."
"I don't want doughnuts, I want pizza." Natanaw ko ang Kuya kong naglalakad na palapit sa amin. Nisusundo na niya ako kasi namimiss niya na yata ako. "Kuya," kay Kuya naman ako lumapit. Magpapamercy ako sa kaniya para pilitin niya si Mr. Pizza Guy na bigyan akong three boxes of pizza. "I want pizza."
"Congrats," sabi ng Mr. Pizza Guy kay Kuya.
"Thank you," nakangiting sabi ni Kuya. Sa mukha niyang 'yan, mukhang wala siyang balak awayin si Mr. Pizza Guy. "Masarap 'yan," bulong niya sa akin.
"Weh?"
"Oo," naninigurong sagot ng Kuya ni Baby.
Tumingin ako sa box na kulay orange at pinagkatitigan ang mga doughnut na nakahilera. Kung ganiyan ang hitsura niyan sa loob, masarap nga siguro 'yan. "Sige, akin na 'yan," sabi ko kay Mr. Doughnut Guy. Wala na siyang pizza kinain niya na yata kagabi.
"Congrats, keep it up." Inabot na niya sa akin ang tatlong box ng doughnut na makakapagpabago ng aking buhay. Ang sarap talagang maging winner.
"Welcome," imbes na magpasalamat ay 'yan pa ang nasabi ko. Ayaw ko kasing mag-thank you dahil hindi naman ito libre. Pinagpaguran ko 'to at pinagyabangan.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiksi UmumContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21