Chapter 268: KUWENTO

93 7 2
                                    

🏰GLYDEL🏰

Nakatulog na ang Bibi ko, dahil sa pagod. Inayos ko na ang kumot niya, gano'n din ang kuwarto niya. Nakakahiya naman dahil baka may dumating. Kung inaakala niyong naghinarot na naman ako, nagkakamali kayo. Hindi naman ako gano'n kasama para banatan siya kahit nanghihina pa. 'Tsaka ko na siya lalantakan kapag makakapalag na. Unfair naman kasi kung gagalawin ko ng walang kalaban-laban hindi ba? Baka kasuhan pa ako ng rape nito 'pag ginawa ko 'yon.

Napagod siya kakakuwento sa mga nangyari sa kanila roon. Tinanong ko kung bakit sila nagpunta ro'n, para saan, anong mapapala nila at bakit hindi nila ako isinama gayong alam naman nilang ako ang pabida rito. Nasagot naman niya lahat ang tanong ko ng maayos kaya perpek siya, 100/100 ang score ng Bibi ko. Top 1 siya sa klase ko dahil siya lang naman ang bata ko.

Hihihi...

Ang landi ko talaga!

Pinaghahalikan ko siya habang tulog. Wala rin naman sina ReiRei kaya ayos lang kung galaw-galawin ko ang Papa nilang makunat ang B. Maayos din naman ang lagay ni Jr., chineck ko siya kanina. Tinignan ko lang talaga, promise. 'Tsaka hinimas ko na rin pala ng kaunti.

Kaunti lang naman...

Mga 30 minutes gano'n...

Habang nagkukuwento siya, kaya napagod ang Bibi kong pang malakasan pagdating sa labanan, pero kulelat naman pagdating sa diligan. Pero ayos lang 'yan, magaling naman akong magdala kaya wala namang problema.

Ako pa ba?

Mayabang yata 'to...

"Good night," hinalikan ko ulit ang labi niya bago naupo sa couch. Dito ako matutulog dahil hindi kami kasiya roon sa kama. Hinahantay ko si Ate na dumating pero hindi na talaga nagpakita. Ang bruhang 'yon, sabi niya pupunta siya, hindi naman pala.

Talksh*t ang kingina...

Hindi ko na siya bibigyan ng bag!

Hinawi ko ang kurtina, kaya nakita ko ang magandang ilaw sa labas. Hindi ko alam kung bakit sumagi na naman sa isip ko ang Walter na 'yon. Talagang nanggigigil ako sa kaniya. Ang pangit na 'yon, nakatakas pala. Hindi ko alam kung paano niya nakikilala ang mga Buwitre. Maging ang pagiging lider niya, wala rin akong ideya kung paano humantong sa gano'n. Pero hindi 'yon ang pinoproblema ko sa ngayon, mas tumatak sa utak ko ang huling kinuwento ni David bago siya makatulog.

FLASHBACK

Nakaupo pa rin ako sa gilid, habang pinipigil ang galit na malapit ng sumabog. Ang kapal ng mukha ng Walter na 'yon na away-awayin ang Bibi ko. Anong karapatan niya? Makunat ba ang B niya? Hindi naman eh!

Natahimik na kami matapos ko siyang pagalitan. Ang sabi ko sa kaniya, kapag inulit niya pa ulit 'yon ako na ang papatay sa kaniya. Pero siyempre, jokas lang 'yon. Tinatakot ko lang naman ang B niya para hindi na niya ulitin ang pagtataksil sa akin. Pinagtaksilan nilang tatlo ang kayabangan ko, at hindi ko 'yon mapapatawad.

Magmumulta silang lahat...

1 Billion per head ang labanan, tiba-tiba ako dahil dalawa ang ulo nila. Isa sa taas at isa sa baba.

Ang talino ko no?

Panis na naman kayo sa akin!

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon