Chapter 219: PARADE 1 (SFD1)

107 11 0
                                    

🏰GEORGINA🏰

Nagpalakpakan ang lahat ng matapos ang misa. Kasabay ng pagkanta ng kantang pangsimbahan ay ang pagkalembang ng kampana. Hawak-hawak namin ang kandilang may sindi. Inihipan ko na ang sa akin dahil baka matuluan pa ako.

Hot pa naman 'to!

Parang ako...

Sobrang nakakaexcite talaga ang Sports Fest. Ramdam na ramdam ko na ang Sports Fest Feels dahil kasama na rin namin ang sandamukal na estudyante mula sa sandamukal na eskuwelahan. Sinabihan kami ng mga teachers na maupo dahil may announcements muna. Magsisimula na kasi ang Motorcade kaya kailangan maayos ang exit namin. Siyempre ang mauunang lalabas ay ang mga nasa unahan.

"Te kaloka ang init," ani Kendrick. Panay ang reklamo niya dahil mainit naman talaga. Kahit nagkalat na ang electric fan wala pa ring nagbago.

"Sorry ha?" Sabi ko na lang.

"Echosera ka," hinambalos ako ng beshiewap ko. "Ako ang hot dito hindi ikaw."

"Feeling ka na naman," tinarayan ko siya.

"Irap-irap ka diyan, tusukin ko 'yang mata mo eh."

"Inggit ka lang kasi ako maganda ikaw hindi."

"Aanhin mo 'yang ganda mo kung hindi ka naman crush ng crush mo?" Natahimik ako kaya panay ang irap sa akin ng isang 'to. "Ano ka ngayon, Henson?"

"Bakla ka naman, Bautista."

"Kawawa ka naman, hindi ka crush ng crush mo."

"Ba't ikaw? Crush ka ba ng MGA crush mo?" Natameme rin siya kaya nagyakapan na lang kami.

"Ayos lang 'yan, ang importante beshiewap ko magaganda tayo."

"Kami lang nila Darylle, Kendrick. Hindi ka kasali." Tumawa ako kaya hinila niya ang buhok ko. "Aray ko naman," napahawak ako sa buhok ko. Ang hilig niya kasi talagang manabunot kaya nahilig na rin ako.

"Good morning students," boses ng babae ang narinig namin. Umayos kami ng upo dahil nag-iikot-ikot ang POD at Guidance Counselor.

"Good morning!" Bati ng mga estudyante. Mukhang taga-CBU ang nagsasalita. Kung hindi ako nagkakamali ang mga taga-Camp Bell at Bridge ang nasa loob ng simbahan. Early birds kasi sila kaya sila ang nauna.

Let them be...

"Okay so, mauuna munang lumabas ang mga mag-aaral mula sa Camp Bell. Magbigay daan para sa kanila. Iwasan ang pakikipag harutan sa daan para hindi tayo magtagal."

"Yes Ma'am!"

"For teachers and staff, paki-ayos pong maigi ang linya ng mga estudyante. Same pa rin po ng pagkakasunod-sunod. Mauuna pa rin ang Drum and Lyre ng bawat school, susundan ng mga paper maché ng bawat teams, float together with your Muse and Escort, Athletes and Students."

"Yes Ma'am!"

"Sa mga hindi pa lalabas please be seated. Again, 'wag magtutulakan. Students and staff from Camp Bell University you may go now."

Muling umingay sa paligid dahil nagtayuan ang mga estudyante ng Camp Bell. Tingin pa lang talagang gagangsterin na. Ang lalaki ng shirt nila mapababae o lalaki same lang. Ang aangas pa ng mga asta nila. May mga mahaharot din pero lamang ang mga totomboy-tomboy kung kumilos.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon