🏰DARYLLE🏰
Hindi nasunod ang arrangement ng upuan dahil nagpalit-palit din ang ilan. Kami lang yata nila Sydney ang sumunod sa number. Gray167 ako, 168 si Alex at 169 si Sydney. Si Loona ang katabi ni Sydney sa kabila pang-170 siya. Ang nasa likod ni Loona ay si Jason, sa likod naman ni Sydney ay si Matthew, katabi niya si Guione, si Luke ang nasa likod ko, katabi niya si JC, Rafael, Samuel at ang iba pa nilang kateam. Ang nasa kanan ko naman ay sina Ate Jess.
Tuwang-tuwa ang Sydney namin dahil nahagip siya ng camera kanina. Nando'n kasi siya sa likod dahil daldal siya ng daldal. Naiwanan tuloy namin siya ni Alex dahil sa sobrang bagal niya maglakad.
Nagulat kami ng bigla na lang umiyak si Alex ng tawagin ang mga players ng Western Valley. Tinignan ko kaagad si Sydney dahil baka may ginawa siyang kakaiba. Umiling naman siya at itinaas ang dalawang kamay niya. Wala pa naman si Kuya Reiven dito. Nando'n kasi siya sa unahan. Nakabukod kasi sa amin ang mga Coaches.
"Bakit?" Tanong ko pero lalo lang lumakas ang iyak niya. Nakaturo siya doon sa mga nakablue. "Anong nangyari? May masakit sa 'yo?"
"Bakit?" Nag-aalalang tanong ni Sydney. Natataranta na kami dahil eksena talaga siya.
"Color ko 'yon," nagmaktol na siya na parang bata.
"Anong color?" Tumagilid ako pakaliwa dahil nasa kaliwa ko siya. Pumikit siya at nilakasan ang iyak. "Anong gagawin ko?" Kinuha ko na lang ang panyo niya sa bag. Oras na siguro para pasakan ng panyo ang bibig niya.
Ayaw manahimik eh...
"Sssshh..." Hinaplos-haplos ni Sydney ang likuran niya.
"Bakit?" Tanong nila Ate Jess. Nagkibit balikat lang ako.
"Anong nangyari diyan?" Tanong naman sa akin ni Luke. Hindi ko na alam kung sino ang una kong sasagutin.
"Ewan ko, bigla na lang umiyak." Sinilip ko 'yung paanan niya kasi baka naipit lang. "Hoy, ano bang nangyayari sa 'yo?" Baka mamaya may nararamdaman na siyang hindi maganda tapos inuuna niya ang pag-iyak.
"'Yung color blue, akin 'yon Darylle. Para 'yon sa team ko, magtatayo ako ng school Blue Uod ang pangalan ng team." Sabi niya gamit ang napakaliit at napakatinis niyang boses na pambata. Tinuloy niya ang pag-iyak habang pinagmamasdan ang mga nakablue na nililibot ang WOA.
Bumagsak ang balikat ko dahil nakahinga na rin ako ng maluwag. "Sus akala ko naman kung ano na."
"Sa akin 'yon," humagulgol ang bruha. Ngumiwi ako bago nag-isip ng tactics kung paano patatahimikin ang isang 'to.
Bigwasan ko na lang kaya?
"Anong gusto? Anong gusto?" Tanong ko habang pinupunasan ang mukha niya. Susubukan ko lang utuin kung kaya ko.
"Pagkain," nakangusong sagot niya. Kinuha ko ang bag niya para hanapan siya ng makakain. Wala 'yung laman maski tubig. Feeling ko tuloy na kay Kuya Reiven ang pagkain niya. "Pagkain," pinandilatan niya ako ng mata.
"Wait lang," sa bag ko na lang ako kumuha. Hindi ko alam kung alin dito ang gusto niya. 'Yung Pillows na malaki na lang ang binigay ko.
"Ayaw ko niyan! Gusto ko color blue!"
"Alex saan mo ako pakukuhain ng Pillows na color blue?"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Aktuelle LiteraturContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21