🏰SYDNEY🏰
Tumambay na kami nila Darylle dito sa locker room namin. Si Alex nagbayad pa kay Luke bago bumalik dito. Hindi na kami nakasama dahil bigla na lang nawala si Alex. Sinabi pa namin na sasama kami para mag-thank you sa nagpautang sa kaniya. Pero nawala na naman na parang bula si Alex kanina, kaya bagay na bagay sa kaniya ang pagiging member ng Powerpuff girls.
Bubbles talaga...
Ang magagaling kong kaibigan ay humilata na naman doon sa sofa bed. This time, sila Kendrick naman ang natulog. Si Darylle at Alex tulog na naman. Ako naman busy'ng-busy kakaselfie. Wala lang pampatanggal lang ng stress. Kanina pa ako nakahiga rito pero hindi man lang ako inantok, kaya napaselfie na lang ako, para may pang my day.
Sobrang inactive ko na pala sa socmed lately. Hindi gaya noong JHS student pa ako. Lahat ng meme sa fb nashare ko na yata. Hindi rin ako nawawalan ng story and ima-my day, panay din ang tweet ko sa twitter. Pero lahat 'yan dumalang dahil sa sobrang busy ko. Kasisimula pa lang ng taon pero nakamamatay na kaagad ang mga ganerp.
Well sa bagay, ginusto ko rin naman 'to. Hindi ko rin kasi maimagine ang hitsura ko kung hindi ako kasali sa basketball. Feeling ko, ako mismo 'yung mababaliw sa sobrang bored dahil wala kaming ginagawa non.
Buti na lang...
Nakilala ko pa si Yixing...
Speaking of Xiao, hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano 'yung sasabihin ni Yiren sa akin. Wala naman kasi siyang sinasabi mula pa kanina. Hindi ko alam kung nakalimutan niya na ba, kaya parang gusto kong ipaalala. Kung patatagalin pa kasi 'to baka hindi ako matulog mamayang gabi.
Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nag-iisip kung imemessage ko na ba si Yiren. Nakakahiya rin naman kasi na ako ang maunang magsabi, pero nahihiya rin naman ako na 'wag ipaalala. Baka sabihin niya, natandaan mo pala hindi mo pinaalala.
I'm confused...
Mabuti na lang talaga kasama ko sila Alex kanina, dahil kung hindi, baka naihi na ako sa sobrang kaba. Nakakatakot na talaga si Ace, kapag nandiyan siya maski gumalaw hindi ako makagalaw. At kung pwede lang bigla na lang mawala, gano'n na lang ang gagawin ko.
Ang hirap maging maganda...
Humiga na lang ako ulit dahil nabobored ako. Sila Coach kasi wala na naman dito. Baka nagmimeeting na naman sila dahil pati sila AC Jude wala rito. Sila Ate Jessica rin hindi pa bumabalik mula pa kanina. Kami-kami lang talaga nila Kendrick ang nandito tapos tinulugan pa ako.
Kinabahan ako bigla nang maalala ko 'yung tungkol sa laro nila Ace. Sigurado, magagalit na naman 'yon kapag napansin niyang hindi kami nanood. Kahit hindi naman sabihin ni Cassey, hindi naman talaga ako manonood. Hindi na talaga ako interesado kay Ace ngayon. Lamang na ang pandidiri kaysa sa dapat kong maramdaman. Wala na talaga akong gusto, sure na sure na sure na sure na ako ngayon.
100%!
Kinuha ko ang throw pillow at niyakap 'yon. Hindi ko alam kung ano ang sunod kong gagawin. Naiipit na kasi ako sa pagitan nilang dalawa. Ayaw kong maging assuming pero hindi ko maiwasan. Minsan iniisip ko, anong gagawin ko kapag niligawan ako ni Yixing?
Ang advance ko ba?
'Wag mag-assume Syd...
Muntik ko nang makalimutan na hindi naman pala lahat ng nagkakagustuhan ay nauuwi sa ligawan o sa pagiging magkarelasiyon. Ang iba nga diyan, matagal ng mag-on pero bigla-bigla na lang naghihiwalay sa kadahilanang nagsawa na ang isa sa kanila.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiction généraleContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21