🏰SHANE🏰
We're currently eating breakfast. Nakakawalang gana nga lang lately dahil kasama na namin ang Mina na 'to. Hindi ko alam kung anong nangyari sa lakad nila Mommy kagabi dahil napagod na ako. Mabuti na lang tinulungan ako ni Sean na makauwi kahapon, dahil kung hindi malamang inubos na ako ng lamok ngayon. Nagsama siya ng magpapalit ng gulong. Natagalan pa siya dahil hindi ko masabi-sabi sa kaniya kung nasaan ako. Hindi ko talaga kasi alam ang lugar na 'yon.
Kaya kailangan kong bumawi sa kaniya, 'cause I owe him one. Mabuti na lang hindi niya rin ako tinanggihan. Medyo nakakapanibago nga dahil dati kahit anong gawin mong pakiusap hindi mo siya mapapagalaw. Pero yesterday, isang sabi ko lang nagreply siya kaagad.
Cool, right?
I think unti-unti ng bumabalik 'yung dating Sean. I can see the changes that's why I'm happy for him. Mukhang maganda ang dinudulot ng pagbabalik ni Audrey sa kaniya.
"How's Sean?" Daddy asked while eating. Nalaman na niyang nasa bahay ni Uncle Eugene si Sean. Nakakapanibago lang dahil nakabusangot ang mukha niya, which is not normal dahil laging nakasmile si Daddy. Feeling ko tuloy may nangyaring hindi maganda yesterday.
"He's doing good," sagot ni Mommy habang nakatingin sa akin. Naalala ko tuloy na inuutusan niya nga pala akong bisitahin si Sean, pero 'di ko nagawa dahil sinundan ko si Python yesterday.
"Anong klaseng good? Baka magulat na lang na naman tayo may nabuntis na naman siyang ibang babae ah?"
"Raymond, 'wag ka namang ganiyan. He's our son." Mukhang nababadtrip na rin si Mommy kay Daddy. I am scared na baka mag-away sila dahil diyan.
"I know pero hindi na tama ang ginagawa niya."
"It's not his fault."
"Ayan ka naman, kaya lumalaki ang ulo ng batang 'yon kasi lagi mong kinakampihan."
"Ano namang gusto mong gawin ko?" Pagalit na tanong ni Mommy. Binaba niya ang utensils kaya gumawa 'yon ng ingay. Napansin kong nagulat ang higad. "Hayaan ko?"
Huminto rin si Daddy kaya napairap na lang ako. Here they go again. "Ano nga bang ginagawa mo? 'Di ba hinahayaan mo lang? Kapag pinagagalitan ko sa 'kin ka nagagalit."
"Kasi hindi tama 'yung way mo," reklamo ni Mommy. Medyo lumalakas na ang boses at humaba na rin ang pagtatalo nila.
"At 'yung way mo tama? Look at Sean now. Look at our son. Daig niya pa ang babaeng parausan." Padabog na tumayo si Daddy kaya bahagyang gumalaw ang lamesa.
"Daddy," tawag ko. Tiningnan ko siya at pinakita kong nalulungkot ako sa ginagawa nila. Napangiti ako ng bumalik siya sa pagkakaupo. He is really a good man, kaya ang suwerte talaga ni Mommy sa kaniya. "Please, ang aga-aga. Hindi niyo naman kailangang pag-awayan si Sean. I guess he is doing good talaga. You will not believe this pero napakiusapan ko siya yesterday." Agad silang tumingin sa akin, maski si Mina napalingon. "I had a tire problem yesterday and siya ang tumulong sa akin para ipaayos."
"Really?" Excited na tanong ni Mommy. Sobrang mapagmahal niya sa mga anak, kaya siya nagiging ganiyan. Overprotective siya kaya ayaw niyang may nang-aaway sa amin. "Uuwi na ba siya?" Naawa naman ako kay Mommy, kasi alam kong namimiss na siya si Sean. Hindi nga lang siya makapunta kina Uncle Eugene, dahil ayaw niyang magpakita nang magpakita kay Audrey. Natatakot siyang baka makaalala bigla kapag lagi siyang nakikita. "Anong sabi niya?"
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21