🏰GUIONE🏰
Sa wakas, nakalusot na kami sa unang round. Kahit matalo pa kami bukas pasok na kami dahil tatlo na yata ang talo ng mga bulldog. Hindi nga lang kami sigurado kung kaya pa ba namin ang mga susunod na makakalaban, pero ayos na muna 'to. Bahala na si Batman bukas, ang mahalaga makakahinga na kami ng mas maluwag kumpara sa mga nakaraang laban.
Panay ang dutdot ko sa cellphone ko habang nandito kami sa locker room namin. Kausap ko kasi si Joice, sasabay siya sa amin na kumain. Nagbibihis lang kami para makababa na kami. Sabay-sabay ulit kaming kakain ngayon, para magdiwang.
Pinagpipiyestahan namin ang doughnut na napanalunan ni Yixing kanina. Binuburaot nga ni Yiren ang isa pero hindi niya binigyan. Gutom kasi kaming lahat kaya natibag namin yon ng walang kahirap-hirap.
"Tara na," yaya ni Luke. Nagugutom na yata siya kaya ayan nauna na.
"Tara-tara," sumunod na ako sa kaniya dahil baka naghahantay na si Joice. Chinat ko kung saan ko siya susunduin. Pangit naman 'yung siya ang lalapit sa akin. Siya ang babae kaya dapat ako ang magsundo.
"Ano kakainin natin?" Tanong ni Luke sa akin. Dala-dala niya ang wallet niya at cellphone. Naligo na rin siya kahit na pinagbawalan. Naiinitan na eh.
"Kung anong meron do'n," sagot ko.
"Congrats!" Bati ng mga players ng swimming. Nakasalubong namin ang ilan sa mga manlalaro ng mga lobo.
"Congrats po!"
"Thank you," sabi namin ni Luke. Sila Yixing naman ang hinarang nila ro'n sa likuran.
"Kuya Luke pwede magpapicture?" Nahihiyang tanong ng JHS student. Kasama niya ang mga kaibigan niya na nagtatago rin sa likod niya.
Natawa ako nang tumingin sa akin si Luke. "Akin na cellphone niyo," sabi ko sa kanila. Inilahad ko ang kamay ko sa kanila. "Ako na kukuha. Isa-isa lang ba? O sama-sama na lang?"
"Sama-sama na po," sabi niya. Nagsuguran ang mga kasama niya. Ang dami pala nila ro'n sa likod. Akala ko 'yon na 'yon.
Lalo akong natawa nang magulat si Luke sa dami nila. Dinumog nilang lahat ang brader ko na gulat na gulat pa rin hanggang ngayon. Pumwesto na ako at umatras para makuhaan ko silang lahat. "One, two, three," bilang ko bago ko sila kinunan.
"Sa akin din po," binigay ng isa ang cellphone niya. 'Yon naman ang ginamit ko pang picture sa kanila. "Salamat po."
"Welcome," ani Luke. Sinuntok niya 'yung braso ko. "Binebenta mo ako ah?" Tinawanan ko siya habang sinusulyapan ang mga nasa likod ko. Nagtutulakan na sila ro'n at inaasar lahat ng dumadaan.
"Ate crush ka raw ni Samuel," sabi ni JC sa batchmate namin. Hindi ko 'yan kilala pero naging classmate ko na yata 'yan noong elementary.
"Yieeeeee!"
"Luke samahan mo ako, sunduin natin si Joice." Kinakabahan kasi ako, nang hindi ko malaman.
"Ano kaya 'yon? Manliligaw tapos magpapasama, ano ka bata?" 'Yan ang paraan niya ng pagtanggi sa pakiusap ko.
"Sige na, kinabahan kasi ako."
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiksi UmumContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21