🏰SYDNEY🏰
Nagulat kami nang biglang magtitili ang bwakla at nanakbo palabas ng Gym. Nakahawak pa siya ro'n sa ano niya habang maarteng nananakbo. Nagkatinginan tuloy kami ng mga staff ng Volleyball boys. Nilingon ko 'yung babae na mukhang napana ni Kupidwo.
Nakatawa siya habang umiiling-iling. Pulang-pula na ang mukha niya na animo'y kinikilig ng husto. Kumaway siya kaya kinawayan din namin. Friendly naman pala. Aba, eh kung lagi siyang ganiyan, magkakasundo talaga kaming dalawa. Tutulungan ko pa siyang mabingwit ang isdang mailap dahil sa sobrang pagkendeng.
Yes may kumekendeng na isda!
That's James...
"Anong nangyari ro'n?" Dinungaw ni Georgina ang bwakla. "Bakit nanakbo? Siya ang best player oh." Tinuro ni Georgina ang Jumbotron kung saan nakaflash ang lalaking-lalaking kuha ni Kendrick. Sa screening siguro kasi ganiyan din ang sa amin eh.
"Baka natatae," ani Cassey. Nag-aalangan niyang sinilip ang dinaanan ng bwakla.
"O tinigasan," sabat ni Alex. Napatingin tuloy kaming lahat sa kaniya. "Nakita ko kasi bumukol eh," mabilis niyang sambit.
"Weh?!" Napasigaw kami nila Cassey sa sobrang gulat.
"Oo, habang nakatingin siya ro'n sa Future ko." Masama yata ang loob niya nang inguso si Mariah.
"Oh my G!" Naghawak-hawak kami ng kamay at nagtatalon. Isang magandang senyales na may pag-asa pa. Hindi pa huli ang lahat para tigasan, ang ibig kong sabihin, tigasan ang pangangatawan.
"Tsh," inirapan na naman kami ni Alex. Ewan ko ba diyan, pinag-aaksayahan ng oras 'yang pagpapantasiya niya diyan sa dibdib ni Mariah. Ginawa niya pang wallpaper. Nakita kasi namin kanina. "Si Kendrick, bakla 'yon. Tigilan niyo na."
"May chance pa te," ani Georgina.
Umiling si Alex. "Bakla 'yon, at 'yung babaeng 'yon." Tinuro niya ang kinaroroonan ng babaeng pinagpapantasiyahan niya. "Sa akin 'yon..." Bigla siyang ngumiti ng nakakatakot.
"Hala siya," natutop ko ang bibig ko. Ngayon ko lang siya narinig na mag-ganiyan. Kung makapagsalita siya, parang hindi na pwedeng agawin ang babaeng 'yon kahit na hindi pa naman niya nakukuha.
"Tumigil ka nga." Sinabunutan siya ni Darylle kaya tumawa. Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil nagbibiro lang yata si Alex. Sana nga, nagbibiro lang siya. Sayang ang ganda kapag natibo 'yan. "Umayos ka, hindi gawain ng matinong babae ang pagnasaan ang kapwa niya babae."
"Sinong may sabi na babae ako? Lalaki ako Darylle. May b*yag nga ako eh, makunat na nga." Pinakita niya pa sa amin ang harap niyang wala naman talaga bukol maski kapiranggot.
Natawa na lang kami bago nag-alisan. Hindi ko alam kung aware ba siya diyan sa mga pinagsasasabi niya. Nakakatawa lang dahil sa bibig nga ni Alex nanggaling.
"Tara na," yaya ni Georgina. "Magpaparty pa 'yang mga 'yan. Doon na lang natin sa quarters hantayin si Kendrick."
Pinauna namin ang ilang members ng Outreach bago lumabas. Sila na bahalang magbuhat diyan. Nagawa na namin ang part namin kaya kayang-kaya na nila 'yan.
"Gala tayo," yaya ni Cassey. Tinignan namin ang oras sa cellphone niya. May higit isang oras pa naman kami bago mag-uwian.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficção GeralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21