Chapter 303: GRAY WOLVES VS. PURPLE CRANES 1 (SFD4)

110 12 0
                                    

🏰DARYLLE🏰

Nangawit ng husto ang kamay ko sa kakaipit sa mga kateam namin. Wala kasi akong katuwang dahil si Sydney wala pa, si Alex mas lalong wala pa. Hindi naman ako makapagreklamo dahil nakakahiya. Ipupuyod ko na lang siguro ang buhok ko kapag hindi kinaya ng oras. Ilang minuto na lang kasi at magpapack up na kami pababa.

"Sino pang wala?" Tanong ni AC Alvin. Siya ang naghahawak ng attendance.

"Si Danica po," ani Ate Yngrid. "Si Yiren and Sydney."

"Tatlo?"

"Yes Coach."

"Ang dami, puro first five pa. Nasaan na ba? Pakicontact naman." Napailing siya bago tumayo at lumapit sa mga Coaches na busy sa pagbebrainstorm. Lagi silang may ganiyan kada game. Si Coach Reiven ang pasimuno niyan. Puro tactics ang iniisip nila at nagbibigay ng kani-kanilang situation and solution.

Para raw prepared...

Nagchat ako sa GC namin para tanungin kung nasaan na sila. Baka kasi magkakasama 'yung mga 'yon kaya mga wala. Bumalik ako sa pag-iipit ng buhok ko. Siniguro kong mahigpit ang pagkakatali nito. Sinuot ko rin ang binigay ni Alex na headband para hindi lumaylay ang buhok ko sa noo.

"Darylle wala pa si Dalaga?" Tanong ni Coach Reiven.

Lumingon ako sa kaniya. "Wala pa po." Kinuha ni Kuya Reiven ang cellphone niya. Mukhang siya na ang tatawag kay Alex.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Nakajacket ako at jogging pants dahil bababa pa lang naman kami. Napatingin ako sa pinto dahil bumukas 'yon. Akala ko si Alex, sila Sydney pala.

"Te dali," sabi ko sa kaniya. Ngumiti naman siya bago nanakbo papasok sa CR para makapagpalit ng damit. Inayos kong maigi ang sintas ko at pati na rin ang gamit ko.

"Yiren, Sydney double time," sabi ni Coach.

"Yes Coach." Nataranta na rin si Yiren at sumunod na kay Sydney sa loob.

"Kuya Reiven," nahihiya kong tawag. Lumingon naman siya sa akin kaagad. "Tinawagan niyo po ba si Alex?"

"Oo, kaso hindi sumagot, pero tinawagan ako ni Manolo. Ang sabi niya mamaya na raw kasi inaareglo pa nila."

Napatayo ako. Kinabahan kasi ako na baka nakabangga siya or worst nabangga siya. "Ano raw pong nangyari?" Yari tayo nito kay Mama.

"Hindi ko pa alam, pero sila Manolo na raw bahala." Mukhang wala naman akong dapat ipag-alala dahil nakangiti naman si Coach Reiven. Baka nagkaroon lang ng kaunting aberya kaya nagkagano'n. "Girls double time!"

Nataranta na rin ako at inayos na ulit ang gamit ko. Mga bihisan lang naman 'to at saka warmer lang. Ang mga gamit kasi namin ay sila na ang magdadala. Lumabas na sina Yiren at Sydney. Nakabihis na sila at mga nagpuyod na lang din dahil gahol na.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ko kay Sydney nang makalapit siya. Nakakapagtaka lang na ang tagal niyang makarating samantalang sabi ni Cassey iniwanan daw siya ni Sydney dahil sumabay kay Tito Stanley.

"Ano, natraffic lang."

"Nauna pa si Cassey sa 'yo."

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon