🏰SYDNEY🏰
Bumaba na sa anim ang lamang ng kalaban. Nakakapagod pero ayos lang naman, at least hindi na gano'n kalaki gaya kanina. Nakahinga talaga ako ng maluwag dahil nandiyan na si Alex. Pakiramdam ko, kahit sugurin ako ni Ace may magtatanggol na sa akin. Masaya rin ako na wala sila Yixing ngayon, dahil kahit papaano walang mang-aasar sa akin.
Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit na sinasabi ni Ace sa akin kanina na layuan ko 'yung pinsan niya. Pero may hinala na ako, na baka may alam na siya kaya gano'n. Hinala lang naman pero malakas kasi ang kutob ko na may kinalaman 'yon doon.
Hindi ako makapagfocus dahil nandiyan lang si Ace sa gilid-gilid. Kapag nakikita ko siya naaalala ko 'yung kababuyan na ginawa niya sa akin kanina. Kaya lagi akong naaagawan dahil malapit sila sa court namin. Nahahagip talaga siya ng mata ko kahit na anong gawin ko.
'Yon pa lang ang unang basket ko kahit na 11 minutes na akong naglalaro. Nakakakaba dahil nandiyan si Ace kaya naiirita ako. Paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko kung sasabihin ko ba kina Daddy ang ginawa niya kanina.
Ayaw ko na kasi ng gulo. Sigurado, magagalit ang Daddy ko kapag nalaman niya 'yon. Hindi 'yon papayag na walang mangyayaring parusa or something. Eh sure din ako na hindi papayag ang pamilya ni Ace kahit siya pa may kasalanan. Kaya natutuliro ang utak ko, hindi ko talaga alam ang gagawin ko.
Ramdam na ramdam ko na mauulit pa ang ginawa niya kanina, baka nga humigit pa ro'n. Sa ngayon, susundin ko na lang muna sila Georgina para walang problema. Hindi ako lalayo sa kanila kahit anong mangyari.
Magkamatayan na...
Nasa court na kami ng kalaban, kaya naging present na ang utak ko. Bigla kasi akong ginanahan dahil lumalapit na naman kami. Nakakawalang gana naman kasi talaga kapag tambak tapos may epal pa diyan sa gilid. Gusto ko siyang irapan at batukan, pero 'pag kaharap ko siya nanlalambot ako sa takot.
Hindi ko kaya...
Kasi mahina ako...
How I wish, kasing lakas ng kay Alex ang loob ko. How I wish, kasing tapang niya ako. How I wish, madali lang din akong makalimot. Kasi nakakakilabot 'yung ginawa ni Ace and nakakababa ng dignidad at the same time.
Pakiramdam ko, isa lang akong kaladkaring babae na pupuntahan niya lang 'pag kailangan. 'Yon ang lagi niyang ginagawa sa akin eh. Kung noon pera ang hinihingi niya, ngayon iba na. Mas gusto ko pa 'yung Ace na buraot kaysa ro'n sa Ace na malandi.
Nakakadiri...
Ang lib*g na niya talaga!
Lalo lang akong nawawalan ng gana sa kaniya, dahil ibang-iba na ang ugali. Hindi ko na talaga siya makilala. Ang laki na kasi ng pinagbago niya.
Ibang-iba na...
Nagtilian ang mga nanonood nang sumablay na naman ang tira ng mga crane. Pagkakataon na namin 'to para makadikit ng husto. Sobrang bilis na naibaba ni Darylle ang bola, dahil ganado na nga kaming lahat.
Hindi na nakarating sa akin ang bola dahil si Darylle na ang tumira non. Two points lang pero ang laking tulong na sa amin. Bumalik na ang sigla sa mga mukha namin, nakakangiti na rin kasi ako.
Lakas talaga manghawa ni Alex...
Lakas makagood vibes...
Ngiting-ngiti na naman siya habang nagbabantay. Panay na naman ang galaw ng bibig niya kaya alam na talaga. Nagyayabang na naman, nakalapit na eh.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21