🏰SYDNEY🏰
Pinagbreak muna kami kanina habang nagpeprepare para sa Mr. and Ms. Sports Fest at sa yell. Ang sabi kasi, magyeyell daw muna ang mga players bago rumampa ang mga Muses and Escorts. Hindi na kami lumabas dahil ang iksi lang ng time na binigay. Pila rin ang paglabas kaya bago ka pa makatapak sa bilihan ng mga pagkain ubos na 'yung oras.
At ngayon, nagsisimula na ulit ang panibagong program. Nasa baba na ang mga taga-CBeU dahil sila ang unang magpepresent ng yell nila. Hindi ako makapagfocus ng maayos dahil kanina pa ako nakakatanggap ng message. Noong una hindi ko alam kung kanino 'yon galing dahil hindi naman nakasave ang number sa phone ko pero narealize ko rin kinalaunan.
It's Ace...
Bukod do'n ay nagmemessage din siya sa social media. Nakakainis lang dahil ginagamit niya pa 'yung account ng mga kaibigan niya para i-message ako. Hindi man lang siya nag-iisip na napapahiya ako dahil malamang mababasa ng kaibigan niya 'yung pinagsasasabi niya sa akin.
Kesyo malandi raw ako...
Yari daw ako sa kaniya...
Ang kapal daw ng mukha ko...
The nerve?! Nahiya naman ako sa kaniya!
Nagtataka rin ako kung bakit bigla na lang siyang nagmessage sa akin ng gano'n. Buti naalala ko 'yung sa Jumbotron kanina. Nakita niya yata ako na nakikipagkulitan kay JC. Ang masama nito, akala niya nilalandi ko si JC. Pinagbabantaan niya pa ako, babasagin niya raw bungo ni JC 'pag hindi ako tumigil.
Kapal talaga...
Kinabahan tuloy ako, 'yung kay JC pa nga lang pinagbabantaan na niya ako. Paano pa kaya 'pag nalaman niyang si Yixing na pinsan niya 'yung gusto ko?
Ano ba kasing nakita ko sa taong 'yon?!
Bakit ko ba kasi 'yon niligawan?!
Ayaw ko naman silang mag-away ng dahil sa akin. Parang hindi ko naman deserve 'yung gano'n. Alam ko namang hindi papatulan ni Yixing si Ace kung sakali, at 'yon ang mas nakakatakot. Si Ace din ang dahilan kung bakit hindi ko maligaw-ligawan si Yixing.
Bet na bet ko pa naman ang chinoy na 'yon...
Badtrip!
Napakalabo niya naman kasi, noong nanliligaw ako hindi ako pinapansin. Tatawagan lang ako kapag may kailangan sa akin. Tapos ngayong ayaw ko na 'tsaka naman siya nanggugulo. Hindi ko na talaga nakikita 'yung sarili ko na may gusto sa kaniya. Tama sila Cassey, ang sama ng ugali niya.
Ayaw ko na talaga sa kaniya...
I hate him...
Napalingon ako sa gilid ko. Natawa ako ng makita kong tulog ang dalawang De Vera. Kaya pala ang tahimik dahil nasa wonderland ang dalawa. Nakasandal si Alex sa balikat ni Darylle. Nakasaklob silang dalawa ng jacket kaya hindi ko makita ang mukha nila.
Napabuntong hininga ako ng makita ko ang mga naka-pula. Umiwas ako ng tingin dahil baka makita ko lang si Ace. For sure bibigyan niya na naman ng masamang meaning kung bakit malapit sa upuan ko si JC. Sinabi ko naman na kaibigan ko lang si JC, close lang kami kasi classmate ko siya, pero lalo lang siyang naghinala ng sabihin ko 'yon.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficção GeralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21