Chapter 335: NACOLOMBIA (SFD5)

102 9 1
                                    

🏰ALEX🏰

Sobrang happy ko na naman dahil nauto ko na naman si Mamaw. Dinaan-daan ko lang siya sa pangmayabangan kong I love you eh, hindi na nakaporma sa akin. Nakalimutan ko kasi talagang magtext sa kaniya kanina. Sobrang naforgot, napakanaforgot, at pinakanaforgot sa buong mundo. Mabuti na lang bobo ang Mamaw ko kaya hindi niya naremember 'yung mga nakakahurt na words na nisaid ko kanina.

Sobrang happy ko din dahil yakap-yakap ko na ang three kahon of doughnuts. Ako na naman kasi ang winner, pinanis ko si Darylle. Sabi ko na nga ba, ako talaga ang winner at hindi siya, nagkamali lang 'yung nag-aannounce. Bilib na bilib na naman sa akin ang madlang pulpol.

"Babay fans," nginusuan ko na lang ang mga fans ko dahil may hawak akong doughnuts. "Babay!" Nagsmile ako sa kanilang lahat. "Hoy fans! Babay kako!"

"Babay idol!"

"Idol ang galing mo!"

Kinikilig akong naglakad papunta sa locker room namin. Inunahan ko na sila Kuya ReiRei dahil ang slow-slow nilang magmove. "Open! Sesame!" Hindi nag-open ang door kasi wala sa akin ang key. Umupo na lang muna ako sa floor at inopen ang isang kahon of doughnuts. Binasa ko ang labi ko gamit ang dila. Nakakatakam kasi ang hitsura ng bilog na ito.

"Baby tayo diyan, dirty diyan." Lumapit kaagad sa akin si Kuya ReiRei at inalalayan akong makatayo. Nipagpagan niya rin ang clothes ko, kasi nag-eeat na ako ng prize sa pagkakawinner ko.

"Kuya want mo?" Nialok ko siya ng doughnut. Tinignan ko kaagad siya ng makahulugan. Hindi niya pwedeng tanggihan ang alok ko dahil nipagtired-an ko 'to.

"Siyempre naman," kumuha siya ng isa. Hindi makatanggi si Kuya Pyths kasi alam niyang magkacry ako. Magaling kasi akong magcry eh, sobrang galing, napakagaling at pinakamagaling magcry sa lahat ng baby sa mundo.

"Ako rin," ani Yiren.

"No no yow," nisara ko na kaagad ang box para no no yow na sila makaget. "Mine 'to," nikeep ko ang box sa gilid ko. Nag-enter na ako sa loob at naupo. Hinayaan ko silang magligpit habang nag-eeat ako.

"Thug life oh," sabi ni Loona. Tawa siya ng tawa habang nipapanood ako.

"Lami kaayo," wika naman ni Jessica.

"Congrats!" Sigaw ni Kuya. Nagtatalon sila sa tuwa at nagsimula ng magsasayaw kahit walang music. Binaba ko ang doughnuts at sumayaw din. Siyempre, hindi tayo magpapatalo, tayo ang bida rito eh.

"O~y! O~y! Oy! Oy! Oy!" Nagtatalon kami habang nakataas ang isang daliri.

"Haringbato nambawan!" Sigaw ni Kuya ReiRei. Nagparty-party kami sa loob dahil kami ang winner sa buong mundo.

"Kuya ReiRei champion na tayo?!"

"Hindi PA," aniya kaya nagsigawan ang mga kamag-dribol ko. "Kuha natin 'yan tiwala lang."

"Yehey! Wooh!" Kahit tired na kami nagsasasayaw pa rin kami sa sobrang happy.

"Ops!" Pigil ni AC Jude na mukhang pagong. "Bago 'yan, magligpit muna tayo dahil may sunod pang maglalaro."

"Aaaaa..." Nalungkot ang lahat dahil sa salitang ligpit. Sino ba naman ang magugustong magligpit?

Naupo kaagad ako sa upuan at nagkunwaring abala sa pagkain para hindi ako utusang magligpit. Sobrang napagod na nga ako kanina, dahil sa sobrang galing ko tapos pagliligpitin pa ako? Hindi naman na yata correct 'yon. 

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon