Chapter 370: TOYO AT SUKA (SFD7)

97 17 4
                                    

🏰SYDNEY🏰

Tinatawan-tawanan na lang namin ang tagabantay nitong hagis-hagis effect kineme na 'to. Hindi naman namin plano ang mang-asar, pero mukhang 'yon ang nangyayari. Ito kasing si Alex, nakakalimang sunod-sunod na. Wala man lang palya kahit isa, kaya itong bantay nagrereklamo na. Naaasar pa dahil si Alex saksakan ng kahambugan.

Ang sama na ng tingin niya sa amin, nakaka-two five na kasi si Alex sa kanila. Napapakamot na lang siya sa ulo habang humihingi ng pampremyo ro'n sa mismong may-ari ng stall. Wala silang magawa dahil laro 'to at 'yon ang mechanics ng laro.

"Oh!" Tumawa ng malakas si Bubbles dahil pumasok na naman sa gitna ang piso niya. 'Yan na ang pang-anim na pisong nakahit ng jackpot.

Nagtitili kami kasabay ng sunod-sunod na pagtalon sa tuwa. Nangangamoy libre na naman kasi kaya nakakatuwa talaga. Nakakatipid na talaga ako lately kaya maganda-gandang senyales ito ng pagbabago.

Change is coming...

"Hala Ma'am," nagrereklamong sabi ng lalaki. "Last na po 'yon Ma'am. Lipat na lang po muna kayo sa kabila." Napabusangot kaming lahat bago nagkatinginan. Wala kasi 'yan sa usapan. Ang sabi basta mahit mo ang jackpot ibibigay nila ang price. "Wala na po kaming budget Ma'am. Kabubukas lang ho namin."

"Tara na," yaya ni Darylle. Nakakatawa kasi kanina pa niya sinasaway si Alex na 'wag namang masiyadong galingan, pero siya naman 'yung tuwang-tuwa kapag nakakakuha ng pera.

"No no yow," nakanguso sabi niya habang nagpupumiglas. "Here lang ako." Ayan na naman siya sa pananalita ng salitang ilang minuto pa ang lilipas bago namin maintindihan ng husto.

"Hindi na pwede te, ie-evict na tayo sa stall ni Kuya," pabiro kong sabi. Nginitian ko naman ang tindero tila ginuhuan na ng mga pangarap sa buhay. Hindi ko naman sila masisi, ikaw ba naman makuhaan ng 3K kapalit lang ng anim na piso, tignan natin kung hindi ka lagnatin.

"Ayaw," umupo siya sa sahig at nagsimula na namang umasta na parang bata. Pinagtitinginan na naman tuloy kami rito. Isang-isa na lang sisikat na ang grupo namin, dahil sa kabi-kabilaang isyu na kinasasangkutan naming pare-pareho

Parang showbiz lang...

"Doon tayo," tinuro ni Darylle 'yung may mga teddy bear. "Doon maganda ro'n."

Nakangusong nilingon ni Alex ang tinuturo ni Darylle. "May pera ro'n?" Ang cute talaga ng boses niya.

"Oo," iritableng sagot ni Darylle. Tinatawanan na lang namin siya ni Kendrick. Para silang mag-nanay, si Alex ang anak na nakakita ng laruan at si Darylle naman ang nanay na budget lang ang perang dala kaya ayaw bilhan.

"Wantawsan?" Mas may iku-cute pa pala ang boses niya.

"Oo," walang ganang tumango si Darylle. Tumayo na kaagad ang Bula at inunahan pa kaming makarating doon sa stall na nilalambitinan ng mga teddy bear.

"Hoy ba't ka nagsinungaling?" Inakbayan ni Cassey si Darylle habang naglalakad kami. Ako naman nakiepal dito kina Georgina. Ako muna ang makikiapid sa kanila sa ngayon habang busy si Fluffy sa pakikithird wheel diyan sa mag-cousintahan.

"Hayaan mo na," ani Darylle. Napabilis kami ng lakad nang makita naming nagpapadyak na naman 'to si Alex at nagmaktol. "Ano na naman Alex?"

"Walang wantawsan!" Lumakas ng husto ang iyak niya kasabay nang pagsalampak sa sahig. "Wantawsan!" Kanina akala ko masaya na siya sa five hundred, ngayon humihirit na ng isang libo.

"Iwanan na nga 'yan," inis na sabi ni Darylle bago kami pinagtutulak palayo. "Sige na iwan na 'yan. Kukunin 'yan ng mga nangunguha ng bata." Lalo lang ngumarawngaw ang isip paslit. "Hala 'yung Ampon Bata ayan na." Nagkunwari kaming nagmamadali hanggang sa bumuntot sa amin ang Bulang ang lakas ng toyo.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon