🏰ERIC🏰
Lahat kami nadismaya sa naging performance ng Dance Crew kanina. Ang ganda ng performance nila noong Dry Run. Hindi ko alam kung anong nangyari. Ang sabi naman ng iba, baka raw nakalimutan ng iba dahil noong nagpractice sila after ng bagyo hindi na sila kumpleto. Hindi raw kasi pinayagan ang iba na magpractice kaya kulang-kulang sila.
Kasalukuyan ng nagpeperform ang SADPU Hip Hop Dance Group. Natahimik ang mga nakabrown dahil parang napantayan ng mga nakaputi ang galing nila kanina. Nagsigawan naman ang mga schoolmates ko dahil kanina pa sila nakikipag-away sa mga taga-Camp Bell. Kanina pa rin sila sinasaway ng mga teachers dahil iba nga raw ang mga estudyante diyan sa Camp Bell. Sa school na raw na 'yan, teachers ang sumusunod sa estudyante.
Nakakatakot 'di ba?
Iwas na iwas din ako sa kanila lalo na dahil doon sa nakita ko kanina. Nasanggi kasi 'yung isang taga-Camp Bell ng taga-SPU kanina, tapos inabangan na kaagad no'ng lunch. Buti na lang daw may mga guwardiya sa paligid.
Suwerte pa siya...
Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan 'yung babaeng nakita ko kanina. Hindi ko masabi-sabi kay Ganda ang tungkol do'n dahil galit siya sa akin. Sasabihin ko sana na namimiss ko siya para bati na kami, kaso nahihiya ako kay Kuya Reiven at Darylle.
Mamaya na lang pag-uwi...
Sigurado ako na 'yung babaeng nakita ko kanina 'yung nagbigay sa akin ng pera sa grocery. Siya rin 'yung tumawag ng Rina kay Alex. At malamang, sa kaniya galing 'yung mga gamit ng bata na hanggang ngayon ay nasa akin pa. Sabi kasi ro'n, para raw 'yon kay Rina at sa pamilya niya. Eh siya lang naman ang kilala kong tumawag ng Rina kay Alex eh. Mukhang para talaga sa akin 'yon, dahil walang naghabol o kumuha non sa 'min.
Ang tanong...
Aanhin ko naman 'yon?
May anak ba ako?
Natatakot lang naman ako na baka mamaya bigla na lang akong hulihin dahil nagbulsa ako ng pera na hindi naman sa akin. Wala naman sanang problema dahil siya naman mismo ang nag-abot non sa akin. Ang masakit lang, hindi naman kasi si Alex 'yung Rina at mas lalong wala akong kilalang Rina.
Lalo tuloy akong naguluhan...
Gusto ko sanang kausapin kaso taga-Camp Bell kasi. Baka mamaya mabugbog pa ako, mukha pa namang maton.
Nakakatakot...
Lalo na 'yung paraan ng pagtingin niya...
Grabe, para akong papatayin...
Nakita ko ulit siya kanina habang pababa ako. Sinabihan kasi ako ni Tita Glydel na sumama kina Kuya Reiven. Akala ko makakausap ko si Ganda, hindi pala. Katulad ng nangyayari dati, etsapwera kaming lahat dahil nando'n ang Mamaw niya.
Ayos lang...
Sa bahay naman siya uuwi mamaya...
Bumalik ako sa reyalidad ng magtayuan ang tatlong judge. Nagsigawan tuloy ang mga nakaputi dahil do'n. Ang linis kasi ng routine nila, kasing linis ng suot nilang costume.
"Ang galing," ani Clarence. Siya ng katabi ko at sa dulo kami naupo. Ayoko kasing tumabi ro'n sa mga pinsan ni Liezel dahil natatakot ako sa kanila. Ayaw din naman do'n ni Clarence kaya dito kami sa mga barako naupo. Isang hilera lang naman kami dahil sampuan sa isang hilera. May mga daanan kasi sa bawat gilid non para hindi mahirap lumabas.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
BeletrieContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21