Chapter 221: PARADE 3 (SFD1)

113 14 0
                                    

🏰DARYLLE🏰

Ngiting-ngiti na naman ang pinsan kong hilaw dahil nasunod na naman ang luho niya. Pinakyaw ni Kuya Reiven ang mga lobo na tinda nung Kuyang naglalako. Mabuti na lang 14 na lobo na lang ang meron 'yung Kuya, dahil kung nagkataon talagang lahat ng daliri namin pupunuin ni Alex. Sampung lobo ang na kay Alex, nakatali 'yon sa mga daliri niya. Tig-isa naman kami ni Sydney tapos dalawa kay Kuya Reiven.

Sobrang sama pa ng loob ni Sydney dahil ang gusto niya 'yung hello kitty, pero si Thomas ang binigay ni Alex. Tapos sa akin naman si Mickey Mouse. Lahat ng avengers na kay Alex dahil superhero daw siya. Siya raw ang pinakamalakas sa buong mundo. Si Iron Man, Captain America, Thor, Hulk at si Vision ang nasa kanang kamay niya. Sa kaliwa naman si Spiderman, Black Widow, Hawkeye, Spongebob at Patrick.

Avengers na raw si Spongebob at Patrick...

Nakausap na raw niya si Iron Man...

"Dapat sa akin si Hello Kitty eh," ani Sydney. Nakatingin siya kay Hello Kitty na katabi si Vanelope. Na kay Kuya Reiven kasi 'yung mga babaeng characters. "Ang gwapo ni Coach no?" Titig na titig na naman siya kay Kuya Reiven.

Nakatayo si Kuya habang kausap 'yung binilhan namin nitong lobo. Sa kaliwang kamay niya nakatali sina Hello Kitty at Vanellope. Kahit na pambabae at pambata ang lobo na nasa kaniya, pogi pa rin siya.

Mas lalo nga siyang gumwapo eh...

Ang unfair talaga ng mundo!

Fit na fit sa kaniya ang uniform nilang mga Coaches. Hawig lang din sa amin, may naiba lang ng kaunti. Nakarubbershoes din siyang puti at pantalon na itim. Nakashades pa siya at ngumunguya ng bubblegum.

Ang gwapo...

"Ang gwapo non oh," turo ng mga babaeng taga-UoS kay Kuya Reiven. Mga nakaorange kasi sila kaya naidentify ko. Palabas na kasi sila ng simbahan.

"Hala oo nga."

"Taga-saan?"

"KU," sagot ng isa.

"Estudyante?"

"Coach," siniko ng babae 'yung katabi niya. "Kita mo oh, coach." Tinuro niya 'yung damit ni Kuya na may nakalagay na Coach sa likod.

"Ang gwapo!"

"Papicture tayo!"

"Gag* nakakahiya..."

"Sige na, tara na."

Nilagpasan kami ng mga babae at dumiretso doon kina Kuya Reiven. Natawa kami ni Sydney dahil alam na namin ang mangyayari. Hindi 'yan makakaporma dahil nandiyan si Alex.

Goodluck na lang...

"Hello po," sabi ng babae. Kumaway siya kay Kuya Reiven. "Pwede pong magpapicture?"

"Hindi!" Si Alex ang sumagot. Nanlaki ang mga mata ng mga taga-UoS sa gulat. Inirap-irapan sila ni Alex kaya hindi na makaporma. Hinarangan kaagad ni Alex ang mga babae kasama ang Avengers niya.

Bahala siya diyan...

"Ayaw eh," nagkibit balikat lang si Kuya Reiven bago naglakad.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon