🏰CASSEY🏰
Sa wakas ay nakaupo na rin kami. Akala ko mamamayat na ako ng tuluyan sa kalalakad eh. Muntik na talaga akong pumayat, sayang hindi pa natuloy. Bumili muna kami ng pagkain ni Lorraine habang naghahantay. May mga umiikot kasing vendors dito sa loob ng Arena. Siya ang nakakasama ko kapag wala sila Darylle. Mabait naman siya, nakasundo ko siya dahil medyo kaugali niya si Sydney.
Mas maharot na version nga lang...
Lagi nga lang naming kasama si Kieffer at Oliver. Si Kieffer kasi nanliligaw sa kaniya at si Oliver naman kaibigan ni Kieffer kaya hindi rin sila mapaghiwalay.
Ang ganda talaga rito sa loob. Sobra ring liwanag dahil nga Open siya. Nakalagay din sa paligid ang iba't-ibang cliparts na sumisimbolo sa mga sports. Nagtataka ako noong una kung bakit hindi umaabot dito ang init ng araw, pero ng tumingala ako doon ko napansin na salamin pala ang bubong. Mukha lang siyang Open Arena dahil salamin ang bubong nito. Tinted din ang salamin kaya hindi nakakatagos ang araw. Feeling ko isa 'to sa paraan nila ng pagtitipid ng ilaw tuwing umaga.
Feeling ko lang naman...
Lahat ng students ay nandito sa bandang taas. Ang mga bakanteng upuan ay laan para sa mga varsity. Mag-eentrance pa raw kasi sila, kaya sila binukod sa amin. Nasa Gray2316 ako kaya sobrang layo ko talaga, as in. Tinanong ko sila Sydney kung saan sila, ang sabi nasa Gray169 lang daw. Parang malapit na yata kami sa Gen Ad type na p'westo kapag may concert. Nasa unahan kasi ang mga JHS at siyempre bilang mga 'Ate' at 'Kuya' raw dapat kami ang mag-adjust.
Pagbigyan...
Bata eh...
Nagulat ako ng biglang tumili si Lorraine dahil umapaw 'yung softdrinks in can niya, naalog yata.
Kinuha ni Kieffer 'yung softdrinks. "Dahan-dahan," sabi niya. Nagpupunas na si Lorraine ng sapatos niya. Buti hindi ako natilamsikan.
Hinawakan kong maigi ang can at nanalangin na hindi 'to umapaw. Kapag ito umapaw ibig sabihin hindi na ako papayat. Dahan-dahan kong binuksan 'yon, napapikit pa ako habang titig na titig sa can. "Okay papayat pa ako," confident kong sabi. Hindi siya umapaw, may pag-asa pa. Tatanggalin ko na sana ang pull tab ng pigilan ako ni Oliver. Siya ang katabi ko sa kaliwa, si Lorraine nasa kanan ko.
"'Di mo alam ang gamit niyan?"
"Pull tab?"
"Hmm," tumango siya.
"Pambukas," sagot ko dahil 'yon naman talaga ang purpose non.
"Hindi lang 'yan pambukas. Akin na 'yung straw mo." Nanlaki ang mata ko ng kinuha niya ang straw na nakapatong sa hita ko. Malapit pa naman 'yon sa, alam niyo na 'yon! Binalik niya sa kinalalagyan ang pull tab at isinuksok ang straw sa isang butas. "Para rin 'to sa straw, para hindi malikot kapag iniinom."
"Okay," nakangiti kong kinuha ang softdrinks.
"Now you know."
"Yeah, now I know. Thank you," itinago ko ang ngiti sa pamamagitan ng pasimpleng pag-inom ng softdrinks. Medyo kinilig kasi ako ng kaunti.
Kaunti lang naman...
Mahitsura rin naman kasi 'tong si Oliver, hindi nga lang pansinin dahil may pagkashytype siya ng kaunti. 'Yon lang ang napansin ko. Malinis din siyang tignan dahil ang ayos lagi ng gupit niya. Hindi siya kagaya ng ibang lalaki na masiyadong pabida kung umasta. 'Yung mga feeling pogi ang tinutukoy ko.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiksi UmumContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21