🏰LUKE🏰
Nakaupo pa rin kami nila Guione dito, dahil hindi pa naman tapos ang laro. Halftime pa at kasalukuyang nagshushooting ang mga players. Sobrang nag-eenjoy kami sa panonood dahil ang saya naman talaga nilang panoorin. Sure win sila rito, dahil hindi masiyadong marunong ang kalaban.
43-11...
That's the score!
Bukod pa ro'n, ang cute-cute pa ni Danica. Kanina pa siya kinatutuwaan ng mga nanonood. Oo mayabang siya, pero iba kasi 'yung sa kaniya. 'Yung kay Sean nakakayamot pero 'yung sa kaniya, nakakatawa.
Ang lakas niyang mang-asar...
Nakakatawa...
Mas lalo kaming natawa dahil doon sa held ball kanina. Ayaw niyang ibigay 'yung bola kahit kinukuha na ng referee. Malapit naman kami sa kanila kaya nakikita namin kahit hindi kami tumingala sa Jumbotron. Nakabusangot siya at nakanguso ng kunin ang bola. Natawa kami dahil iiyak na siya kanina.
Pasaway talaga...
Tigas ng ulo!
"Anong oras na?" Tanong ni Guione. Maglalunch na kasi after neto. Hindi ko alam kung saan kami maglalunch, baka lumabas na lang din kami mamaya.
"11:13," sagot ko. May relo naman ako kaya nilingon ko lang 'yon. "Saan tayo maglalunch?" Tanong ko kay Matt.
"Kayo? Saan niyo ba gusto?"
"Kahit saan, pwede namang dito na lang para hindi na tayo lumabas."
"Mas maganda sa labas," ani Guione. "One hour naman eh, gala tayo."
"Saan naman tayo pupunta? Mall, kasawa na magmall." Inayos ko 'yung paa ko at itinuwid dahil pinupulikat na ako. "Hindi pa tayo naliligo."
"Sh*t oo nga pala."
One hour lang ang lunch break namin. Pwede kaming lumabas pero kapag lumagpas ang isang oras at hindi pa kami nakakabalik, hindi na kami papapasukin. Antimano, cutting na kami non. At kahit may laro pa kami hindi pa rin kami papapasukin.
"Xing saan kayo?" Tanong ko kay Yixing na abala sa pagtatype sa phone niya.
"Paanong saan?"
"Mamayang lunch," sagot ko.
"Ewan ko," nagkibit balikat siya. "Kahit saan, depende kay Yiren."
"Manlilibre ka Luke?" Tanong ni JC.
"Talo nga, tapos manlilibre?"
"Eh di 'pag nanalo manlilibre ka?"
"'Pag nanalo," tinaasan ko siya ng dalawang kilay. Pasalamat siya, good mood ako ngayon kahit talo kami kanina.
Thanks to Alex...
Pampaalis ng pagod...
Muli namin itinuon ang atensiyon sa laro dahil magsisimula na ulit ang game. Medyo nalungkot naman ako dahil wala siya sa maglalaro. Sila Jessica naman ang maglalaro this time. Kalmado pa ang crowd dahil alam na naming panalo 'to, 43-11 ba naman eh.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Ficción GeneralContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21