🏰SYDNEY🏰
Pagod na pagod kaming lahat kaya bagsak kami rito sa locker room. Nakakatawa dahil ang iba may mga dala ng kutson na magagaan lang. 'Yung mga handy lang at naroroll. Pinagdugtong-dugtong namin 'yon 'tsaka kami humiga para magpahinga. Wala talaga sa usapan namin ang matulog, pero dahil sa sobrang pagod hindi na namin napigilan ang antok.
Nagising lang ako dahil naramdaman kong nag-gagalawan ang mga katabi ko. Nakarinig din ako ng impit na tawa kaya napamulat ako ng mata. Naabutan ko sina Yiren na pinipicture-an si Loona habang natutulog. Bahagya kasing nakaawang ang labi niya.
"Anong ginagawa niyo?" Ginaya ko ang sikat na tono para sa linyang 'yan. Akala nila kung sino kaya nagbalikwasan sila. Nagpeace sign ako dahil nagising si Loona. Nagkunwaring tulog ang iba at ang ilan naman ay nagkunwaring kagigising lang.
"Ano meron?" Nagising din pati si Darylle. Siya kasi ang katabi ko. Kinusot-kusot niya ang mata niya bago bumangon. "Anong oras na?"
"11:48," si Yiren ang sumagot. Hawak niya kasi ang cellphone niya.
"Syd, kayo na lang muna nila Cassey maglunch ah?" Tumayo na si Darylle at tinupi ang kumot na dala niya. "Kasama kasi namin si Tita, sa labas kami maglalunch."
"Kasama niyo si Alex?"
"Siyempre naman, eh di umiyak na naman 'yan 'pag hindi siya isinama. Ngunguso 'yan buong maghapon 'pag iniwan."
"Hindi lang kaya maghapon." Nagulat kami ng biglang sumabat si Alex sa usapan namin. Gising na rin siya at nakaposisyon na naman ang nguso sa dapat nitong kalagyan. "Habang buhay kaya..."
"Gising na ang baby ni Kuya?" Nakadungaw si Coach Reiven doon sa gilid. Nakasuot siya ng salamin kaya lalo siyang pumogi.
"Yes yes yow Kuya ReiRei!" Nakataas pa ang dalawa niyang kamay ng sumagot. Para na talagang bata, malayong-malayo sa Alex na nakilala namin noong una. 'Yung suplada at hindi nagsasalita kahit kausapin mo pa.
"Nagsleep ka ba ng marami?"
"Yes yes yow!" Natawa na ang mga nagtutulug-tulugan naming kateam.
"Taas ng energy ah? Mukhang nagsleep nga ng marami. Very good talaga ang Baby na 'yan ah?"
"Sobrang very good? Napakavery good? At pinakavery good na Baby worldwide?" Sunod-sunod niyang tanong. Nakakahumaling talaga ang boses niyang pambata. Nakakagigil siya lalo na kapag ngumingiti at kinikilig.
"Yes yes yow naman, tara na dali maglalunch na. Makikita na ulit natin si Mamaw." Dali-dali siyang tumayo at nanakbo papunta sa Kuya niya.
Kinuha ko ang cellphone ko para ichat sina Cassey. Sinabi ko sa kanila na magkita-kita na lang kami sa baba. Sinabi ko na rin na kami-kami lang muna ang maglalunch ngayon dahil may lakad ang magpinsan. Malapit ng mag-twelve kaya nagligpit na kami ng mga gamit namin at saka para makakain na rin.
"Uy tara na," yaya ni Loona kina Yiren. Sinilip ko rin ang phone ko kaya nakita kong nagchat sina Cassey. Nasa baba na raw sila.
"Sabay na ako sa kanila," paalam ko kina Darylle. Paalis na rin sila pero sa iba naman ang punta nila kaya kina Loona na lang ako sasabay.
"Bababa ka na sis?" Tanong ni Yiren.
"Oo, sabay ako." Tumayo na ako at kinuha ang wallet at cellphone ko. Sumunod na ako kina Yiren dahil ayokong maglakad mag-isa.
"Uy anong nangyari kahapon?" Excited na tanong ni Yiren. Pumapalakpak pa nang tanungin ako.
"Anong kahapon?" Maang-maangan ko. Baka makahalata na halos hindi ako natulog, dahil doon sa ginawa ng Kuya niya sa akin kahapon.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
General FictionContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21