🏰LUKE🏰
Pinakinggan naming maigi ang instructions ni Coach Limer. Nakadikit na kami sa kanila pero lamang pa rin sila, dahil sa kanila ang bola. Kailangan lang naming gawan ng paraan na masagot lahat ng tira nila, para hindi kami mapag-iwanan. Mahirap ng malamangan at matambakan ngayon, dahil ilang minuto na lang ang itatagal ng laro.
I'm tired...
"Let's go Gray Wolves!"
"Let's go!" Bumalik na ulit kami sa court. Kami pa rin nila Samuel ang magkakasama. Nagsimula na kaming magbantay sa mga kalaban namin. Mas naging agresibo na nga lang sila pero siyempre, kung kabado kami, mas lalo sila dahil nakalapit na kami.
"Xing," tawag ko sa sentro namin. Pinapaalalahanan ko lang, dahil baka makasabit kami. Nang-aararo na kasi sila, gaya ng inaasahan naming gagawin nila.
Nakashoot sila ng long 2 kaya lamang na naman sila ng dalawa. Mas magandang masagot namin ang tira nila. Paatras akong nanakbo sa court namin dahil na kay Yixing ang bola. Pinasa niya 'yon kay Samuel, pero natapikan siya. Hindi na kami nakahabol dahil ang layo namin at hawak na ng lawin ang bola.
Error na naman...
Napahawak si Coach Limer sa batok niya. Senyales na naiinis siya. Kahit ako, ganiyan din ang mararamdaman ko. Pero hindi naman nila 'yon ginusto kaya hindi sila pwedeng sisihin. Nagresulta sa fast break ang naging run na 'yon, naiwanan kasi kami. Apat na ulit ang abante nila sa amin.
"Ayos guys," sabi ni Jason. Nakakapang-init talaga ng ulo ang mga ganitong sitwasiyon. 'Yung kahit ayaw mong magalit sa kasama mo hindi mo mapipigilan ang sarili mong hindi mainis.
Pinasa ni Samuel ang bola kay Jason, papunta sa akin. Sinubukan kong itira pero wala hindi pumasok. Nagkatapikan sila sa loob at sa kabutihang palad ako na naman ang nakuha.
"Move," sabi ko. Masiyado pang mainit sa loob kaya nalibre ang mga nasa labas. Pinasa ko ang bola kay JC. Naghiyawan pa ang mga nanonood dahil sa likod ng bantay ko 'yon pinadaan.
"Lopez, launches a three!" Sigaw ng commentator. Inabangan ko na rin ang bola para kung sakaling sumablay ay maabangan ulit. "Got it!"
"Go KU!"
"JC!"
"Ayos," nag-apir kaming dalawa habang naglalakad pabalik sa kabila.
Nahihirapan na rin sila sa amin dahil bantay sarado na sila. Binabantayan ko ring maigi ang guwardiya nila, dahil may tira rin naman talaga siya. Kung pababayaan 'to baka matambakan na naman kami ulit.
93-92...
Nahinto kami dahil napituhan si Samuel ng referee. Napakamot na lang kami sa ulo, dahil hindi maganda kung magsisisihan pa kami. Tumayo si Matthew sa bench dahil papaupuin muna si Samuel. Nakakarami na kasi siya.
Nakuha ng kalaban ang dalawang puntos na 'yon. Si Yixing ang kasalukuyang nagdadala ng bola. Abante na naman sila ng tatlo. "Matt," kay Matthew niya 'yon pinasa.
Mula naman kay Matthew ay napunta kay Jason. Tinulungan namin siya para makadiskarte. Nakahinga kami ng maluwag ng maipasok niya ang bola.
"Bilis," sabi ko habang pababa kami sa court ng kalaban. Lamang sila sa amin ng isa, at napakalaking bagay non dahil kaya nilang manalo sa amin kahit isa lang ang abante nila. "Bantay-bantay," nahinto ako dahil wala naman sa binabantayan ko ang bola. Napailing na lang ako ng pumasok na naman ang tira nila. Ang turok ng shooting nila kaya pasok na pasok sa loob ng basket.
BINABASA MO ANG
HIM & I [SEASON 2]
Fiction généraleContinuation of Him & I STARTED: 01/13/21 COMPLETED: 05/15/21