Chapter 377: KU VS. FU 5 (SFD7)

100 14 1
                                    

🏰LUKE🏰

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon. Sila Samuel muna ang naglalaro para sa 3rd Quarter. Kasama niya si Rafael, Guione, Jason at Yixing. Hindi kasi pwedeng mawala si Yixing doon. Nag-iisa lang ang sentro namin kaya walang ibang choice kun'di ibabad siya. Ayos lang naman daw sa kaniya, sabi niya kanina nang tanungin siya ni Coach Limer.

Inilaan naman ang halftime para gumawa ng mga play na pwede naming gamitin. Si Coach Limer ang naglathala at kami lang ang sumuporta. Halos wala rin kaming pahinga dahil puro kami isip at diskarte kung anong gagawin. Base sa pananalita ni Coach Limer kanina, mukhang gusto niyang manalo. 'Yon ang nakikita ko. Sinasabi niya lang siguro na ayos lang na matalo, para hindi kami masiyadong mapressure. But deep inside, he wanna win.

Lahat naman kami eh...

Sino bang ayaw manalo?

Si Matthew ang katabi ko sa kanan at si JC naman sa kaliwa. Lahat kami nakafocus sa laro. Anim na minuto na lang ang natitira sa Quarter na 'to, pero ang lamang hindi pa rin bumababa sa sampu. Labintatlo pa rin ang lamang nila sa amin.

Wala na siguro 'to...

Hindi na yata kaya...

"Woah! Lubog! Go Vipers!" Nakapuntos pa sila ng dalawa kaya labinlima na naman ang lamang nila sa amin.

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ako makapagreklamo dahil ako mismo aminado na wala naman akong nagawa sa loob ng dalawang quarter kong nilaro. Siguro nga, hindi ngayon ang oras ko. Nakakalungkot nga lang dahil last game na namin 'to 'pag nagkataon, tapos ganito pa ang laro ko. Nakakadismaya talaga. Ginawa ko naman lahat pero kulang pa rin.

Kulang na kulang pa...

Maski si JC na palangiti, hindi magawang ngumiti sa pagkakataong 'to. Para kaming namatayan at daig pa ang coloring book na inalisan ng kulay. Hindi kami nag-iimikan at kapwa abala sa panonood.

Si Samuel ang nagdadala ng bola. Panay ang senyas niya sa mga kasamahan namin sa loob. Huminto siya at itinaas ang bola gamit ang dalawang kamay. Obviously, naghahanap siya ng mapapasahan. Si Yixing ang napili niya, pero inilabas din kaagad dahil delikado sa loob. Ang lalaki kasi ng players nila, lalo na kung ikukumpara sa amin.

Si Jason ang pinasahan ni Yixing, mula sa kaniya ay napunta kay Rafael ang bola. Naalarma kami kaya napasigaw at napatayo na rin dahil mauubos na ang shot clock. Basta na lang niyang ipinasa kay Yixing ang bola, at kahit hirap ay sinikap ng sentro namin na ipasok 'yon sa basket.

Failed...

Again...

Napahilamos ako sa mukha ko dahil doon. Nailagay ko ang palad sa likod ng ulo ko. Ang sakit sa ulo ng larong 'to. Nakakaiyak talaga. Kanina tinanggap ko ng talo pero ngayon parang hindi ko na kayang sikmurain. Hindi ko kayang tanggapin ng gano'n-gano'n lang.

Ano ba 'yan?

"Aaaaaa..." Napabusangot lahat ng mga lobo na nakakasaksi sa paghihirap namin. Napangiti ako dahil nakanguso pa ang karamihan sa kanila. Naalala ko tuloy siya.

Panalo kaya sila?

Malamang, ang galing kaya niya!

Nadagdagan na naman ng dalawa, kaya naghihikahos na ang mga kasama ko sa loob. Ang bilis lang ng rotation nila, walang-wala sa galaw naming punong-puno ng pag-aalangan. Hindi mo naman masisi dahil sa pagkakataong ito, lahat hirap makapuntos, lahat takot masisi.

"Bawi!" Sigaw ni Matthew. Kailangan talaga naming makabawi dahil mababaon kami ng husto kapag hindi.

"Go Gray Wolves!" Sabay-sabay naming sigaw. Hindi namin dapat ipakita sa kanila na nawawalan na kami ng pag-asa. Kami mismo ang dapat magpakita ng lakas sa kanila.

HIM & I [SEASON 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon